"Bitawan mo ako!" hila-hila ni Dane si Audrey patungo sa sasakyan ng mga ito. Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Makikita ko pa pala ang drama ng mga ito sa parking lot. Habang marahan kong pinupunasan ang buhok ay pinagmamasdan ko ang mga ito. "Audrey, will you please stop?" mukhang nagpipigil lang si Dane. "Paano ko gagawin iyon, Dane? Bumalik na s'ya. Maghihiganti na s'ya sa mga ginawa natin sa kanya." Natotorete ba ito lalo't pwede kong palabasin kong itinulak n'ya ako? Well, pwede naman. "What if hindi s'ya 'yon? Kailangan natin ang asawa n'ya para maisalba ang negosyo natin, hindi ka dapat gumagawa ng ganoong hakbang." frustrated na ani ni Dane na napahilamos pa sa palad. "I'm sure, si Lorielle 'yon. Kilala ko ang kapatid ko, Dane. Kahit ilang taon pa ang lumipas makikilala