KAORU It's Saturday night and our High School Reunion. Magkasama kami ni Jazmin at sabay kaming pupunta doon sa dati naming school. "What?" hindi ko na napigilang itanong sa kaibigan ko nang mapansin na kanina pa siya nakatitig sa 'kin. At kakaiba ang paraan ng pagkakatingin niyang iyon. "Hindi ba talaga kayo sabay ni Kent Santillan na pupunta sa school natin?" "Wala kaming usapan na magsasabay pumunta roon." "Walang usapan o hindi pa rin talaga kayo nag-uusap?" nakataas ang isang kilay na tanong niya. "May dapat pa ba kaming pag-usapan?" malamig na sambit ko bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Ilang araw na rin ang nakakalipas nang huli kong marinig ang boses ni Kenshin sa condo niya. Pagkatapos kasi ng insidenteng iyon, umiwas na ako sa kanya. Hindi ko sinasagot