KAORU "What now? Akala ko ba may sasabihin ka?" Nakalipas na kasi ang ilang minuto nang pigilan niya ako dahil may sasabihin daw siya, pero hanggang ngayon ay tahimik lang siya at walang sinasabi. Pareho kaming nakaupo sa isa sa mga upuang-kahoy na narito at nakatingin lang siya sa harap. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago lumingon sa direksyon ko at nagsalita. "I also planned to confess my feelings for you on the same night that you confessed to me." Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Ano raw? Nagplano rin siyang magtapat sa 'kin noong prom night namin? Bakit? Pareho ba kaming ng nararamdaman noon? sunud-sunod na takang tanong ko sa sarili ko. At bago pa man ako makapagsalita, naunahan na niya ako. "Natatandaan mo ba sina Jack and Jill?" Tumango ako