KAORU Napabuntong-hininga ako at mapait na napangiti nang muling mag-echo sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Kenshin sa 'kin five years ago na nagpadurog sa puso ko. "I'm sorry, Kaoru. I l-love you, but not the way you love me, too. S-sorry but I think, we're better off as best friends..." Hindi ko rin naiwasang alalahanin ang naging sagot at reaction ko sa kanya noon... Pagkatapos kong marinig ang mga salitang iyon galing sa bibig niya, hindi lang ang puso ko ang tumigil sa pagtibok, parang huminto rin ang pag-ikot ng mundo ko. Hindi ko magawang magsalita. Sa tuwing ibubuka ko ang bibig ko, walang tinig na lumalabas. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Gusto kong sabihin niya na nagjo-joke lang siya. Gusto kong bawiin niya ang sinabi niya na hindi kami p