KAORU "Anyare sa 'yo? Tulala ka na naman diyan, MJ." Napatingin muna ako sa kaibigan ko na kadarating lang bago muling ibinalik ang tingin sa labas nitong coffee shop. "Ay. Deadma lang? Supposedly, sinesermunan mo na 'ko ngayon dahil late ako ng isang oras sa usapan natin. Anyway, welcome back pala, MJ. Tagal mo ring nag-stay sa Japan, eh." "Yeah. Thanks," tipid kong sagot nang hindi pa rin siya nililingon. "Yung totoo, Marione Jane Kaoru Alcaraz? Anyare sa 'yo? Parang wala ka sa sarili mo eh." Bumuntong-hininga ako bago binalingan siya ng tingin. "Nagkita kami ni Kenshin kahapon, Jasmin." Nagsalubong ang kilay niya. "Wait. Yung guy best friend mo that also happened to be your first love na nag-reject sa 'yo five years ago with the name of Kenshin Travis Santill