JULIE Kinabukasan, muli akong bumalik dito sa GCL Patisserie Shop. Ngayon pa lang talaga mag-istart ang training ko. Kahapon kasi ay in-orient lang ako tungkol sa business nila at kung ano ang mga dapat kong gawin at matutunan sa loob ng isang buwan ng gwapong head pastry chef s***h general manager na sa kabutihang-palad ay ang magiging trainer ko din. Note the sarcasm there. Psh! I still remember what happened yesterday. Crystal clear. "Back to work, guys." - sabi ni mayabang Cyprus pagkatapos niya kong iwelcome at iannounce sa mga employees and staffs niya ang pagtetraining ko ng isang buwan sa ilalim ng pamamahala niya Then, napasunod lang ang tingin ko sa kanya nang magsimula siyang mag-observe at tingnan ang mga ginagawa ng mga tao niya. "Bakit ganito ito? Magasp