JULIE Nandito ako ngayon sa harap ng isang sikat na pastry shop. Ito ang pastry shop na ini-recommend sa 'kin ng school na pinapasukan ko para sa OJT ko. Graduating na kasi ako at need kong makumpleto ang OJT ko para maka-graduate next month. Umalis kasi ako sa dati kong pinag-oojt-han. Imbes na pagmamasa ng harina ang itinuturo sa 'kin ng supervisor ko, puro kamanyakan ang alam. Sinipa ko nga siya where it hurts the most. Manyak eh. Psh! At sana naman, wala ng manyak dito sa papasukan ko. Hindi naman siguro ire-recommend ito ng school namin kung may mga m******s dito, ano? Besides, hindi magiging isang sikat ang business na ito kung may mga gano'ng klase ng tao. Pagkapasok ko sa loob, agad kong iginala ang aking paningin. Maganda itong place. At ang bango ng mga pastries.