CYPRUS "What?! Nakipagblind date ka?!" Kung maka-react naman itong mga gagong 'to. Tsk. Yeah, right. Kasama ko ang ibang Blue Orions ngayon - yung mga gago kong kaibigan na hindi busy sa mga lovelife nila. Ewan ko ba kay Nic kung bakit siya nandito. Ayaw daw niyang matulad kina Captain, Juice at Deus na masyadong dedicated sa mga babaeng mahal nila. Sus. If I know, di lang niya talaga kami maipagpalit kay Lou niya. Kapag nga nagkita kami ni Lou, sasabihin ko sa kanyang iwan na niya ang gagong 'yan tutal babaero naman. Tsk. Nga pala, kaya ko sila kausap ngayon ay dahil isinasangguni ko sa kanila ang nangyaring blind dates ko. Gusto ko lang silang inggitin, bakit ba? "Alam kong nakakagulat ang kagwapuhan ko, pero masanay na kayo. Ewan ko ba sa mga magulang ko. Il