JULIE Three weeks had passed. One week na lang ang natitira para matapos ang OJT ko dito sa GCL pastry shop ni Sir Cyclone Epirus Ledesma. At sa loob lang ng tatlong linggo, masasabi kong marami akong natutunan mula sa kanya. Ang dami niyang naituro sa 'kin. And so far, so good naman ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Masaya siyang kasama, sweet naman, matino naman minsan at hindi mo pa rin maiaalis sa kanya ang nag-uumapaw na taglay niyang kayabangan. Pero, hindi na nakakainis ang kayabangan at mga hirit niya. Natatawa pa nga ako minsan at... kinikilig? 'Yun bang 'di ako mapakali at parang nagwawala ang puso ko sa sobrang saya? Nag-iinit din ang mga pisngi ko dahil sa mga sweet lines na binibitawan niya. Kilig nga ba ang tawag do'n? Ah, basta! Ang alam ko lang, I like this