AIVEE Three days had passed, but it was still not enough to ease the pain I feel right now. Namumugto ang mga mata ko dahil gabi-gabi rin akong umiiyak. Akala ko, magiging okay na ang lahat sa amin ni Leonne. Na totoong magkaibigan na kami. Na talagang napatawad na niya ko. Na talagang nakalimutan na niya ang nagawa kong kasalanan sa kanya. Akala ko lang pala talaga ang lahat ng iyon. Naalimpungatan ako nang may marinig na ingay sa labas. Isang di pamilyar na silid ang nabungaran ko pagdilat ng mga mata ko. Kahit masakit ang ulo ko dahil sa hangover, pinilit ko pa ring tumayo at bahagyang lumapit sa may pinto. "Sigurado kang wala kang kamanyakan na ginawa sa kanya, ha?" "Oo nga. Kulit niyo rin eh. Nalasing lang siya. Hindi ko rin naman alam ang bahay niya kaya dit