PINAHIRAN ni Luke ng damo ang espada nito gamit ang tuyong dahin saka ibinalik sa sisidlan niyon na nasa likuran nito. Ga-balikat na ang buhok nito pero wala halos nabago sa mukha nito. Humakbang ito palapit kay Janet. Kinabahan siya sa akalang siya ang isusunod nitong papatayin. Hindi kasi siya sigurado kung nakikilala pa siya nito. “Luke, it’s me, I’m Janet,” pakilala niya. “Do you remember me?” “I know you,” mabilis nitong sagot. “What are you doing here? You’re not safe here.” Kahit papano’y naibsan ang kaba niya. Hindi na siya nagtataka kung bakit hindi siya nakadama ng pananabik. Matagal niyang inasam ang pagbabalik nito, pero pakiramdam niya’y wala na itong puwang sa buhay niya. Ayaw niyang maging hangal pero hindi rin niya masisi ang kaniyang sarili kung bakit inalis niya sa kan