GANADO magtrabaho si Janet dahil nakabalik na ulit sa sangre si Zack. Bagaman hindi pa opisyal na tinatanggap ni Dario ang proposal ni Zack ay naniniwala siya na makukombinsi rin ang pinuno nila. Gusto niyang personal na ipagluto si Zack kaya nakialam siya sa kusina. Hindi pa lumalabas ng conference si Zack kung saan nakikipagpulong ito kasama ang opisyales ng organisasyon. “First time mo atang nagluto rito sa kusina, Janet,” sabi ni Erman pagpasok nito sa kusina kasama ang pinsan nitong si Jero. “Kuwan, may bisita kasi ako,” aniya, habang abala sa paghihiwa ng mga rekado para sa sopas. “Kayo na ba ni Zack, Janet?” pagkuwa’y tanong ni Jero. Uminit ang mukha niya. Bihira niya nakakausap si Jero kaya ganoon na lang ang ilang niya rito. “Sila na, pinsan,” si Erman ang sumagot. “Kaya pal