TATLONG oras lang silang nag-stay sa isla pero parang isang araw ang binuo nila. Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Janet. Namitas lang naman sila ng iba’t-ibang bunga ng prutas na pananim ng mga tao sa isla. Suportado pala ni Zack ang mga ito. Kuwento ni Zack, malaki ang kinikita ng hotel and resort nito sa Madrid Spain. Kaya pala palagi ito roon dahil mas marami itong investment. “Ang hilig mo sa prutas no?” sabi ni Zack nang paakyat na sila sa yate. Kaliwat-kanan ng kamay nito ay may bitbit na malalaking supot na puno ng iba’t-ibang uri ng prutas. Nakabuntot ito sa kanya. “Oo,” sagot niya. Sinipat niya ito. Naglalabasan ang mga ugat nito sa braso, pawisan pero lalo itong naging hot sa paningin niya. “Gusto ko ‘yong may asim at tamis na prutas.” “Akala ko naglilihi ka na kaagad,” amu