Chapter 17

2876 Words

MULING pumikit si Janet nang paggising niya’y tinamaan ng sinag ng araw ang mga mata niya. Umupo siya. Pagmulat niya ulit ng mga mata ay napansin niya ang pamilyar na kuwarto. Wala siya sa yate kung saan siya inabutan ng antok. Bumangon siya at isinuot ang kaniyang underwear. Pumasok siya sa banyo at naghimalos. Pagkuwa’y isinuot niya ang roba na nakasabit sa hanger. Paglabas niya ng kuwarto ay sinalubong siya ng mabangong kape. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan. Naroon nga siya sa bahay ni Zack. Paglapag niya sa ground floor ay napako ang tingin niya sa punpon ng dilaw na rosas na nakapatong sa ibabaw ng center table. “Do you drink coffee?” Pumihit siya sa kaniyang kaliwa. Namataan niya si Zack na may bitbit na tasa ng kape. Itim na jogging pants lamang ang suot nito. “Yes, pero aya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD