LUMIPAS ang dalawang linggo na hindi nakikita ni Janet si Zack. Naging abala siya sa pagtatrabaho sa pabrika kaya hindi niya napansin ang paglipas ng mga araw. Ngunit ngayong hindi na siya masyadong busy ay halos punuin ni Zack ang buong utak niya. Nilibot niya ang academy sa pag-asang naroon lang ang lalaki. Dumaan na rin siya sa inuukupang kuwarto ng binata pero nakakandado iyon. Pagdating niya sa food center ay naabutan niya roon si Hannah at Natassa. Tahimik ang paligid dahil wala nang kumakain. Nasa loob ng counter ang dalawa at may pinag-uusapan. “Hi, Janet!” nakangiting bati sa kanya ni Hannah. Ngiti lang ang naitugon niya. Inalok siya ni Natassa ng itim na ubas. Pumitas siya ng isang butil saka kinain. “May hinahanap ka ba?” pagkuwa’y tanong ni Hannah. Nahihiya siyang magsabi