ALAS-OTSO na ng umaga nagising si Janet. Wala na sa tabi niya si Zack. Pagtingin niya sa mesita ay may nakapatong na pagkain. Umuusok pa ang sabaw at kanin. Dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa tapat ng mesita. Natakam siya sa beef bulalo. Ito ang unang pinapak niya. Kaunting kanin lang ang kinain niya. Kumislot siya nang biglang bumukas ang pinto. Awtomatiko siyang lumingon dito. Nagulat siya nang makita ang babaeng nakatayo sa bukana ng pinto. Ito ‘yong fling ni Zack na habol nang habol sa binata. Nakasuot lang ito ng itim na bikini bottom. Humalukipkip ito at nagtataas ng isang kilay. “So, ikaw na pala ang bagong parausan ngayon ni Zack,” pilyang sabi nito. Mariing kumunot ang noo niya. Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. “Sana kumatok ka muna,” kaswal na sabi niya. “Bakit a