PAGTADING sa tanggapan ni Erron ay pinaupo kaagad siya sa tapat ng mesa nito. Nakasunod din kaagad doon si Zack pero nakasandal lang ito sa dingding, sa tabi ng pinto. Si Erman naman ay tumayo sa likuran ng daddy nito. Kinakabahan siya. Ipinapanalangin niya na huwag nito makompirma na may sakit siya sa pag-iisip, na hindi naman nalalayo sa sinabi ng psychiatrist. Inilapag naman niya ang bracelet at singsing niya sa lamesa, na kaagad hinawakan ni Erron. Seryoso ito habang sinusuri maigi ang mga alahas. “Nagmula ba ito sa fiance mo?” tanong nito. “Opo,” mabilis niyang sagot. Nagtataka pa rin siya bakit ang mga alahas na iyon mula kay Luke ang titingnan nito. Ano ba ang koneksiyon niyon? “Ano ba ang mga nararamdaman mo o nakikita?” pagkuwan ay usisa nito. “Palagi pong may boses lalaki na