Chapter 2

3058 Words
“UGH!” daing ni Zack, habang tinatamasa ng katawan niya ang hagupit ng latigo na inihahataw sa kanya ni Hero. Si Hero ang kababata niya roon sa Spain at matalik na kaibigan. Isang daywalker vampire si Hero, pero mas gusto nitong magsilbi sa templo ng mga imortal sa Russia. Isa rin itong chemist. Nakipagkita siya rito para matulungan siya na makalimot sa pasakit na natamo ng puso niya. Inamin niya rito na na-in love siya kay Hannah pero kahit kailan ay hindi siya natutunang mahalin ng dalaga lalo na nang dumating si Marcos. Nawalan na rin siya ng ganang makipag-flirt sa ibang babae. Nature's changed, so humans also change but he can’t wait when it happened especially in his case. Some of his relatives and friend misunderstood his weird behavior. They are easy to judge but didn’t know how he deals with those difficulties. May mali rin siya, alam niya iyon. Marami syiyang naging fling pero lahat ay ganoon din ang turing sa kanya. Doon siya namulat kaya ang tingin ng lahat ay sakit na niya iyon. Kahit si Hannah ay inamin na kung hindi siya naging babaero, baka nagustuhan din siya nito. Ang mali niya, hindi niya ipinakita ang good side niya. He didn’t even prove to her that he could change. He doesn’t know how to manage his failure or heartbreak naturally. He is always depending on how it makes him relief and be distracted which is not right. Pero natuto na siya kay Hannah dahil sa mga prangkang salita na sampal sa kanya. Kaya wala siyang maisusumbat dahil siya itong may problema. Hindi rin niya maisisi ang daddy niya o tito na nagpalaki sa kanya. Leandro was his mother’s brother. Patay na ang totoong mga magulang niya. Never niyang nakasama ang kaniyang ina, maging ang ama niya na isang tao. Leandro was a busy guy since he adopted him. They live in Madrid Spain. He’s always out of town for business and some appointment regarding his mission as an active member of the vampire council in Russia. Iniiwan lang siya sa bahay kasama ang katulong. At dahil nga may attitude problem siya at salbahe noong bata, paiba-iba siya ng yaya. During his teenage life, marami siyang barkada. Sumasama pa siya sa mga bampira na hayok sa s*x. They found those activities cool. Pumupunta sa mga bars, flirting those bitches, having s*x, and taking party drugs. Kaya sira ang buhay niya at the age of fourteen. Noong nalaman iyon ng daddy niya, inuwi siya, pinarusahan at maagang pinagtrabaho sa businesses nito. At the age of eighteen, he owned the resort business in Mactan Cebu. Pero hindi pa rin siya nagbago. Kahit latiguhin siya araw-araw ng daddy niya ay bumabalik pa rin ang bisyo niya. Pero nitong mga nagdaang taon, nagkaroon siya ng mga suliranin na unti-unting nagbibihis sa kanya. Only Hero knows how his life gradually changing. Pero ito rin ang number one critic niya. “What if I will kill you know, Zack?” tanong  ni Hero saka siya muling hinataw ng latigo sa likod. “Ugh!” mariin niyang daing. He was naked. Kung hindi siya masasaktan pisikal ay hindi gagaling ang sugat sa puso niya. Ganoon ang treatment niya simula noong bata siya. “Please no!” aniya. Hinataw siya nitong muli sa bandang pang-upo naman. Mas okay roon kasi malaman, hindi masyadong masakit kapag hinataw ng latigo. “I told you, a woman was just a distraction. Love will give you illness that may lead to your death, it’s nonsense,” palatak nito. “Yes because you didn’t even try it or you don’t have a plan. You’re heartless, Hero.” He laughed. Mamaya ay bumaling ito sa harapan niya. “What if I gonna hit also your d**k, Zack? So, girls will stop wanting you. You can avoid that f*****g heartbreak. And no one can hit you like this anymore.” “f**k you!  I’m not stupid like you, Hero! Just hit my whole body! Do not touch my precious manhood or I will kill you!” asik niya. Pinagtawanan na naman siya nito. “I don’t have any idea why a vampire-like you was an idiot! You are also a believer of that f*****g true love! There’s no true love existing in this world, Zack! The woman is just wasting efforts,” anito pagkuwan. “Shut up! You never know what love is, Hero because your heart was made of steel!” Kumibit-balikat si Hero, saka hinataw muli ng latigo ang puson niya. “Ugh! Aaargh!” walang puknat na daing niya. “That’s enough, Zack. I just want to remind you that I have a heart and it’s not made of steel. Every human form creature or even animal was naturally born with a soft heart. Only robots have a heart made of steel. But I didn’t use my heart in nonsense things. I have also a common sense and activated brain that can manage my whole body, not only the heart can manipulate our whole system. You have to measure your emotions just to avoid heartbreaks. The heart can easily shut down our whole system, so we need to take care of it,” huling sabi ni Hero bago siya tuluyang nakalimot. Paggising ni Zack kinabukasan ay wala na ang masakit sa katawan niya, lalung-lalo na sa loob ng kaniyang puso. Bumangon siya at lumabas ng kuwarto. Namataan niya si Hero sa lobby, prenteng nakaupo sa couch at nagbabasa ng diyaryo, habang may sinisimsim na blood juice. “I want to visit again to your country, Zack. I missed your resort there. Masarap ang pagkain doon,” sabi ni Hero. Matagal ding nagbakasyon sa Pilipinas si Hero, noong sagana pa ang kita ng resort niya sa Mactan. Sumama ito sa kanya para alamin ang buhay meron ang mga pinoy. Naingganyo itong pag-aralan ang wika nila, katulad niya noong unang beses niya sa bansa. “I think you don’t want to visit my place in these times of crisis. The country was now under zombie apocalypse,” aniya. “Is it because of rabia escota virus?” tanong nito. Ibinaba nito ang binabasa at matiim na tumitig sa kanya. “The Sangre organization is there. What are they doing?” “They do their best. Sangre organization and the government were cooperating to find the solutions. It’s not just about the virus. Also, the black ribbon soldier started to destroy humanities.” Tumayo si Hero. “I guess that’s not a problem.” “Why not? Someplace here in Spain has been detected the infected of the virus. Anytime now, this country will declare the apocalypse.”  “Howard will manage the situation. He has the authority to open an agreement between the Libertad and the Sangre organization.” “It’s impossible for now because one of Sangre member scandalous act put them at risk. Dario has a plan to negotiate but Howard ignored his invitation.” Humakbang palapit sa kanya si Hero. “You belong to those organizations, Zack. You can monitor the situation,” he said, pointing out his spy work without the knowledge of other organization members. “I want to be a part of Sangre organization, but you know that I’m still insecure to Alessandro Clynes.” Natawa siya. Alam niya kung gaano ka-insecure si Hero kay Alessandro. Hindi nito matanggap na nalagpasan ni Sandro ang kakayahan nito sa larangan ng siyensya, samantalang mas bata ng tatlong taon dito si Sandro. Ngumisi siya. Malaki talaga ang inggit nito kay Alessandro, na minsang nakatunggali nito sa isang pagsusulit. “You can be like him if you will accept your grandfather's offered responsibilities. So he can teach you some ideas before he dies. He just waiting for your appearance.” Ngumisi lang si Hero. Matigas talaga ang paninindigan nito. Lolo nito ang pinakamatandang chemist na si Dr. Swarz, na nasa panig ng Libertad organization. May tampo kasi ito sa lolo nito. “And for your information, Sandro was a nice guy, a humble genius,” he said, depending Sandro. Humalukipkip ito. “Why Sandro can’t find the solution for the zombie apocalypse?” anito. “The virus origin was difficult to specify. And you know that making vaccines may take a year.” Tumango lang ito. Inayos na nito ang suot nitong coat. Malamang aalis na. “I have to go,” paalam ni Hero. “Okay. Thanks for having here to help me.” Tinapik nito ang balikat niya. “You’re always welcome, asshole.” Pagkuwan ay bigla itong naglaho. Bumuti na rin ang pakiramdam ni Zack. Handa na ulit siyang sumubok sa panibagong hamon sa buhay niya, pero isinumpa niya na sa pagkakataong ito na kung muli siyang iibig ay sisiguraduhin niya na wala nang babae ang maaring ignorahin siya. Of course he has to work hard for this and it must started to himself. But since wala pa namang go signal, puwede pa siyang mag-enjoy sa old lifestyle niya na hindi niya basta maisantabi lalo kung kailangan niyang mag-unwind. Pinalipas niya ang ilang buwan bago siya bumalik sa Pilipinas. Matapos ang kaguluhan sa Libertad ay hindi na muna siya nagpakita sa Sangre academy dahil mainit pa siya sa mata ng mga opisyales. Walang kamalay-malay ang mga ito na nagsisilbi siya sa Libertad bilang mensahero. Inilihim niya iyon kay Dario dahil alam niya na magkakaroon ito ng suspetsa sa kanya. Alam iyon ng daddy niya pero pinili nitong huwag nang ipaalam kay Dario. Wala naman siyang masamang intensiyon. Gusto lang din niyang makatulong sa paraang alam niya. At sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay ginampanan naman niya ang tungkulin bilang mensahero ng Sangre. Hindi niya tinanggihan ang imbetasyon ni Hannah para sa kasal nito kay Marcos, na gaganapin sa Germany. Matagal na rin siyang nagsisilbi sa templo bilang assistant ng mga nagpapakasal sa ritwal na paraan. Hindi na siya apektado kahit pa siya ang umalalay kay Marcos sa pagpasok sa ritwal room. Sa tagal na niya iyong ginagawa ay ngayon lang pumasok sa kukoti niya ang usapang kasal. Sapat na ang mga karanasan niya sa pag-ibig para matuto siya. Sisiguruhin niya na hindi na mauulit ang mga pasakit na dinanas niya sa maraming babae. Paglabas niya ng ritwal room ay nagulat siya nang sumalpok siya sa nagmamadaling babae. Katuwaang naisip niya na kung sino ang unang babae na makabangga niya sa araw na iyon ay puwede nang papasa sa kaniyang love life. “Ay! Sorry, sir!” bulalas nito. Natulala siya. Totoong malas siya sa babae. “Janet? Ano’ng ginagawa mo rito?” gilalas na tanong niya sa babae. “Kasama po ako sa pagpunta rito ng ikakasal. Nakalimutan ko kasi itanong kung saan ang kuwartong gagamitin ng ikakasal,” anito. “Sa room five.” “Sige po, salamat. Pasensiya na po sa abala.” Hindi na siya nakakibo hanggang sa makaalis ang babae. Sponsor niya ang kuwarto na gagamitin ng bagong kasal, regalo na niya iyon sa mga ito. Umiling-iling si Zack habang napapangiti. Siguro nga ay kailangan muna niyang magpahinga sa mga babae. Hindi niya kailangang magmadali, baka sa maling babae siya ulit mahulog. NAAYOS na ni Janet ang kuwarto na gagamitin ng ikakasal. Bigla siyang nakadama ng gutom. Magmula kasi kaninang madaling araw pagdating nila sa templo ay hindi pa siya nakakakain. Inom lang siya nang inom ng tubig. Napakalaki ng templo at ilang beses pa siyang naligaw bago siya nakarating sa kusina kung saan may nakahaing pagkain. Hindi na niya natiis ang gutom. Kumuha siya ng plato saka sumandok ng pagkain na nasa kawali. Natatakot siyang galawin ang pagkain na nakahain sa mesa, baka ika niya’y para iyon sa mga bampira. Hindi na siya gumamit ng kutsara para mas mabilis. Baka kasi matapos na ang ritwal at hindi na ulit siya makakakain. Hindi pa niya nalulunok ang unang naisubo ay sumubo ulit siya. “Ready na ba ang room five, Janet?” Nagulat nang biglang may nagsalitang lalaki. Pamilyar sa kanya ang boses nito. At sa sobrang gulat ay nagkandaligaw ang kinain niya. Napaubo siya. Binitawan niya ang plato ng pagkain at naghagilap ng tubig. Wala siyang makitang tubig kaya dinampot niya ang red wine saka dagling isinalin sa baso. Hindi pa rin siya tumigil sa pag-ubo. Mamaya ay may kamay na humahagod sa likod niya. “Are you okay?” tanong ng lalaki, na siyang humahagod sa likod niya. Tinungga muna niya ang wine bago hinarap ang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Zack. Hiyang-hiya siya sa kaniyang pinaggagawa. Baka isipin nito ay patay-gutom siya. Kumislot siya nang pahiran nito ng tissue paper ang magkabilang pisngi niya na binasa ng luha dahil sa paninikip ng dibdib niya. Natigilan siya. Awtomatikong sumikdo ang puso niya, wari luluwa na ito mula sa kaniyang dibdib. Pagkuwa’y kumuha ng tubig si Zack mula sa refrigerator saka nagsalin sa baso at ibinigay sa kanya. Naiilang na tinanggap naman niya ang baso ng tubig saka nilagok.              “Naayos mo na ba ang room five?” pagkuwa’y tanong nito. “Y-yes, Sir!” tumatangong sagot niya. Nailihis niya ang kaniyang paningin dito nang humakbang ito palapit ulit sa kanya. “Are you sure you’re okay?” tanong nito. Nasa himig ng tinig nito ang pag-aalala. “O-opo! Okay lang ako,” mariing sagot niya. Sinuyod nito ng tingin ang kabuuan niya. “No, you’re not okay. Magpahinga ka muna, ako na ang bahala sa bagong kasal,” anito pagkuwan. “Ho?” “Gamitin mo muna ang room two para makapagpahinga ka. Mukhang hindi ka pa natutulog. Hindi ka katulad namin na kayang magising ng ilang araw,” sabi nito saka siya iginiya sa sinasabi nitong kuwarto. Hindi na siya tumanggi. Halos limang buwan ding hindi nakikita ni Janet si Zack, magmula noong umalis ito sa academy. Akala niya noon ay hindi na ito babalik. Batid niya na labis itong nasaktan matapos ikompirma rito ni Hannah, na hindi nito ito mahal. Aywan niya bakit noong panahong iyon ay apektado siya sa pag-alis ni Zack sa academy. Nakadama siya ng hindi mawaring lugkot. At kanina nang magkabungguan sila ay may pananabik siyang nadarama. May kalahating oras nang nakahiga sa kama si Janet bago siya tuluyang ginupo ng antok… “Janet!” Nilingon ni Janet ang lalaking tumawag sa kanya. Namataan niya si Luke na tumatakbo palapit sa kanya. Nasasabik siya sa muling pagkikita nila ngunit nang may isang hakbang na lamang ang agwat nito sa kanya ay bigla itong napahinto. Mamaya ay may dugong lumabas mula sa bibig nito. Bigla itong bumagsak sa kanya ngunit wala nang malay-tao. Nabaling ang tingin niya sa kaniyang harapan. Nakatayo roon ang lalaking balot ng itim na kasuutan ang katawan. Mga mata lamang nito ang nakikita niya. May hawak itong pana, na marahil ay ginamit nito kay Luke. Inalis ng lalaki ang bonet nito sa ulo. Nawindang siya nang makilala ito. “Zack?!” Nginitian lang siya ng lalaki. Mamaya ay nag-iba ang nayo nito, kamukha na ito ni Luke. Pagtingin niya sa lalaking kayakap niya na duguan ay nawindang siya nang mukha ni Zack ang nakita niya… Bumalikwas nang upo si Janet. Hinahapo siya. Bumuntong-hininga siya nang malamang nanaginip lang siya. Ang weird ng panaginip niya. Matagal bago nanumbalik sa normal ang t***k ng puso niya. Nagtataka siya. Bakit biglang napunta si Zack sa panaginip niya? Nang mahimasmasa’y pumasok siya sa banyo at naligo. Ang alam niya magtatagal sila roon kaya dinamihan niya ang baong damit. Kumakalam na naman ang sikmura niya. Hindi siya nabusog sa kinain niya kagabi dahil sa pagmamadali niya, ‘tapos inabutan pa siya ni Zack. Pagkatapos niyang naligo ay lumabas siya ng kuwarto. Medyo maliwanag na sa labas. Pagtingin niya sa suot niyang relong pambisig ay alas-singko na pala ng umaga. Tahimik pa rin ang buong gusali. Marahil ay natutulog pa ang bagong kasal. Pagdating niya sa kusina ay napako ang mga paa niya sa bukana ng pinto nang makita niya si Zack na abala sa paghihiwa ng karne ng manok. Hubad-baro ito pero may suot na itim na apron at itim ding jogging pants ang suot nito pang-ibaba. Hindi man lang ito sumulyap sa kanya. Hanggang sa sandaling iyon ay ilag pa rin siya rito. Pakiramdam kasi niya’y wala siyang karapatan na mabigyan nito ng atensiyon. Masyadong mataas ang tingin niya rito. “Nakatulog ka ba nang maayos?” bigla’y untag nito. Kumislot siya nang mabaling ang tingin nito sa kanya. “Ahm, o-opo,” naiilang niyang sagot. “Come here. I know you’re hungry,” sabi nito. Napalunok siya. Pagkuwa’y humakbang siya papasok. Pero hindi niya kayang kumain habang naroon ang presensiya nito. Baka hindi niya magawang lumunok ng pagkain.Naaalala lang niya ang awkward na nangyari kagabi. Hiyang-hiya siya roon. “May mga pagkain diyan sa ref. Initin mo na lang,” sabi nito. Walang imik na binuksan niya ang refrigerator. Inilabas niya ang kaldero ng kanin at nakamangkok na ulam. Napag-alaman niya na may mga tao rin palang nagsisilbi roon sa templo kaya may pagkain na karaniwang kinakain ng tao pero walang bawang. Pinainit niya ang ulam sa microwave oven. Ang kanin ay isinalang niya ulit sa kalan na may mahinang apoy. “How old are you, Janet?” hindi niya inaasahang tanong ni Zack. Sandali niya itong tiningnan. Abala pa rin ito sa paghihiwa ng karne sa may stainless preparing table katabi ng electric stove. “Ah, t-twenty-five,” nautal pang tugon niya. “Are you married before?” Naalala na naman niya si Luke. Medyo makirot pa rin sa puso sa tuwing naiisip niya ang dating nobyo. “No,” tipid niyang sagot. Nilingon siya ni Zack. Dumapo ang tingin nito sa kaliwang kamay niya, kung saan suot pa rin ng palasingsingan niya ang singsing na ibinigay sa kanya ni Luke bago sila naghiwalay. Pagkuwa’y itinaas nito ang tingin sa mukha niya. Nilinis niya ang kaniyang lalamunan. Aywan niya bakit parang binabayo ang puso niya sa tuwing magtatama ang mga mata nila ng binata.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD