Chapter 3

2581 Words
MAY kakaibang karesma ang mga titig ni Zack, na siguro kahit sinong babae ay hindi maiiwasan ang ganoong klase ng tingin na tila umuusig sa kaniyang puso. Ang mga mata nitong iyon ay tila may taglay na magnet, na kay hirap ilagan. Masyadong malalalim at mainit ang paraan ng pagkakatitig nito. Nagagawa nitong painitin ang sistema niya. Naalarma si Janet sa kaniyang nararamdaman. Nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ang mukha nito. Nakombinsi siya na si Zack ang isa sa may magandang mukha sa buong sangre organization. Walang anggulo sa kabuuan nito ang puwedeng itapon ng isang babae. Kaya nagtataka siya bakit nagawa itong balewalain ni Hannah. Para sa kanya, mas guwapo si Zack kumpara kay Marcos. Marahil ay sadyang nakakabulag ang pag-ibig. Naalala na naman niya noong nahuli niya si Zack na may kasamang babae at may ginagawang milagro. Naisip din niya, kaya siguro ayaw rito ni Hannah ay dahil playboy? Pero hindi siya roon nakatingin. She was looking for his good side, na siguro ay hindi na-appreciate ng ibang babae dahil sa hindi magandang ipinapakita nito. Mahilig din siya sa guwapo pero second choice na iyon. Mas matimbang pa rin sa kanya ang personality. “Nangangamoy na ang kanin mo. Nasusunog na ata,” basag ni Zack sa katahimikan. Natatarantang hinango naman niya ang kaldero ng kanin mula sa kalan. Amoy sunog na nga. Malaking distraction talaga ang pagmumukha nitong si Zack. Baka isipin nito napaka-slow niya o kaya’y palaging lutang ang isip, though ganoon siya minsan. Nagsalin na siya ng kanin at ulam sa plato. Pagkuwa’y tinangka niyang dalhin sa labas ang pagkain. “Saan ka pupunta?” awat ni Zack. Huminto siya sa paghakbang saka ito hinarap. “Ahm, d-doon na lang ako kakain sa lobby,” aniya. “Bakit ayaw mo rito?” “Ah, h-hindi naman sa ganoon. Baka kasi makakaistorbo lang ako sa ginagawa mo.” Bigla itong bumungisngis. “Bakit ba parang takot na takot ka sa akin? Hindi naman kita kakainin,” sarkastikong sabi nito. Napalunok siya. Bumuka ang bibig niya ngunit wala siyang naisip sabihin. “Umupo ka rito,” sabi pa nito sabay turo sa silya na katapat nito. Parang robot na napasunod siya. Inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang plato niya pero hinila niya ang silya paiwas sa tapat ni Zack. Kahit may apat na dangkal na ang agwat niya rito ay naiilang pa rin siyang kumain, lalo pa’t maya’t-maya ang sipat nito sa kanya. Mamaya ay kumislot siya nang biglang tagain ni Zack ang karne ng manok na mabuto. Nagkandatapon ang laman ng kutsara niya na isusubo sana niya. Awtomatikong nabaling ang tingin ni Zack sa kanya. “May sakit ka ba sa puso? Bakit napakasinsitibo mo at magugulatin?” tanong pa nito. Ngali-ngali niya itong batuhin ng kutsara. Hindi lang nito alam kung paano siya inatake ng nerbiyos. May pagkaantipatiko rin ito, eh. Hindi niya ito kinibo. Nagpatuloy lang siya sa pagsubo. Natitigilan siya sa tuwing maririnig niya ang hagikgik ni Zack. Ngayon lang niya nadiskobre na may kapilyuhan din pala ito. “Damn, ang init!” mamaya ay sabi nito. Hindi niya napigil ang sarili na tingnan si Zack na bigla na lang naghubad ng apron. Napako ang paningin niya sa matipunong katawan nito. Para sa kanya, tama lang ang klima, siguro dahil katatapos lang niyang maligo. Pero habang tumatagal na nakabandera sa harapan niya ang katawan ni Zack ay unti-unting umiinit ang kaniyang pakiramdam. Nang muli niyang sipatin ang binata ay ga-butil na ang pawis nito sa katawan. “Marunong ka bang magluto, Janet?” tanong nito. “Ha? Anong klaseng luto?” “Kahit ano. Katulad nitong manok na hinihiwa ko. Ibuburo raw ito sa herbs and spices. Pagkatapos ay ibe-bake. Order ito ni Boss,” anito. “Ganun ba? Sige, ako na ang gagawa mamaya.” Binilisan na niya ang pagsubo. Pagkatapos niyang kumain ay hinugasan na niya ang mga karneng hiniwa ni Zack. Hindi pa niya nakikita ang boss na sinasabi nito. Pero kahapon ay may nakita siyang grupo ng kalalakihan na pawang nakasuot ng itim na kasuutan. Maaring mga alipores din iyon sa templo. Habang binababad niya sa herbs and spices ang mga hiniwang karne ay nakaupo na sa tapat ng mesa si Zack at pinapapak ang hita ng manok na pinainit lang nito sa oven. Tagaktak na rin ang pawis ni Janet pagkatapos na maibabad na niya ang mga karne. Aywan niya bakit biglang uminit ang klima sa templo, samantalang kahapon ay halos ayaw niyang humipo ng tubig dahil sa ginaw. Panay ang paypay niya ng kamay sa kaniyang mukha. Paglingon niya kay Zack ay nagulat siya nang mamataang nakatitig ito sa kanya. Sinasaid na lang nito ang laman ng manok na dumidikit sa buto. Lalong uminit ang temparatura ng paligid dahil sa presensiya nito. Napalunok siya nang hindi siya nito nilubayan ng tingin. Pakiramdam niya’y pinapaso siya ng titig nito. “Ang init no?” nakangising sabi niya rito habang pinapaypayan ang sarili. “Oo nga. Umiinit talaga ang klima kapag may nagme-make love sa loob ng bahay,” anito. “Ha?” maang niya. Tumayo si Zack. Dinala nito ang ginamit na plato sa lababo. “Malamang nagaganap na ang honeymoon nina Hannah at Marcos,” sabi nito. “Talaga?” Natawa siya. “Marcos body produces warm air when he was anger or feeling pressure and some intense emotions,” anito. Nawindang siya. May ganoon palang nilalang? “And weird naman.” “Yap. Most of hybrid vampires has weird ability including me. Hindi naman ako makapangyarihan katulad ng iba pero marunong naman akong magkontrol.” Napansin din niya na sa lahat ng hybrid na nakilala niya, si Zack lang ang parang normal. Ang katangian nito ay hindi nalalayo sa mga tao. Si Erman, pansin niya na lumalabas talaga ang espesyal na abilidad. Humakbang palapit sa kanya si Zack. Umatras siya sa akalang yayakapin siya nito. Dinampot lang pala nito ang damit nitong nakasampay sa sandalan ng silya na nasa kaniyang harapan. “Hannah and Marcos started their honeymoon here. They are making love. Alam mo ba ‘yon?” paanas na sabi nito, habang isang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha nila. Tumango siya. Anong akala nito sa kaniya, kahapon lang ipinanganak? Dinampot nito ang baso ng blood juice nito saka sinimsim habang nakatayo sa kaniyang harapan. Sinaid pa ng dila nito ang naiwang dugo sa gilid ng labi nito. Ang hot nitong tingnan. “Kapag nagtagal ka pa sa puder namin, marami ka pang matutuklasang kakaibang bagay. You should learn to move on and accept the reality. Walang kasiguruhan kung kailan makakabalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao, o kung maibabalik pa ba,” anito. Nalungkot siya sa tuwing iniisip ang tungkol sa virus. Miss na miss na niya ang normal na pamumuhay. Wala na ring choice ang mga tao kundi sumunod sa mga eksperto. “Pero may aksiyon namang ginagawa ang gobyerno, ‘di ba?” “Yap, pero siyempre, hindi tayo puwedeng umasa lang sa gobyerno. Our team cooperating with other country to join force and find the solution. Sa ngayon ay nakarating na rin sa ibang bansa ang virus.” Hindi na siya nagkomento. Inihanda na niya ang ibang sangkap sa kaniyang lulutuin. Mamaya ay sinilip ni Zack ang ibinabad niyang karne. “Thank you sa pag-alalay sa akin. Ikaw na ang bahala rito, may pupuntahan pa kasi ako,” anito saka lumayo sa kanya. Paulit-ulit siyang lumunok. “Sige po,” sabi lamang niya. Tila nabitin siya sa usapan nila, pero kapag kaharap naman niya ito para siyang pinapaso. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Sinundan lamang niya ito ng tingin habang papalayo. Pagkakataon na sana niya iyon para mapasalamatan ito sa ilang beses na pagsagip sa buhay niya,pero umurong na ang dila niya dahil sa init ng presensiya nito kanina. Matagal bago siya naka-get over.   PAGBALIK ni Zack sa templo ay tapos nang kumain ang bagong kasal. Ayon sa isang security ay umalis ang mga ito para mamasyal. Maaring bukas makalawa ay babalik na ang mga ito sa Pilipinas. Humilab ang sikmura niya matapos ang walang tigil na pagsuyod niya sa mga lugar na umano’y may naglipanang masamang bampira. Ligtas pa ang Germany sa rabia escota virus dahil maaga itong nag-declare ng travel ban sa mga bansang may kaso ng virus lalo na sa Pilipinas. But the government was cooperating with some countries to find the solution to create the right vaccine. As of now, six countries in Asia have been affected and two countries from Europe. Pagpasok niya sa kusina ay nadatnan niya roon si Janet na naghuhugas ng mga gamit na kobyertos. Haggard nang tingnan ang dalaga, siguro dahil sa walang tigil na pagtatrabaho. Mukhang malayo ang nararating ng isip nito dahil hindi man lang nito naramdaman ang presensiya niya. Naalala niya, dahil sa pagligtas niya noon kay Janet ay unconscious siya nang mabagok ang ulo niya. Mabuti na lang nagising din siya makalipas ang halos isang araw. Wala namang kaos ‘yon sa kanya at least, he did his best to save lives. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng dalaga. She’s the simplest woman he had ever met but the prettier though. She just wearing skinny black jeans, pink blouse that a bit fit on her slim body. Nakalugay lang ang mahabang buhok nito, no makeup, no jewelry except the ring. Hindi ito kasing sexy ng mga fling niya pero papasa sa kanya. He shook his head to distract her mind from starting the stupid fantasy. Janet was innocent, she’s not a fling type. He could say that she was a perfect girlfriend or a wife material. And he did not deserve a woman like her. Mainit sa mga mata niya ang ganoong balingkinitang katawan ng isang babae, lalo pa’t katamtaman ang pamimintog ng mga hita nito at kaninang umaga pa niya napansin ang malulusog nitong dibdib. Na-distract lang siya sa pakikitungo nito sa kanya, na para bang takot na takot ito sa kanya. “May pagkain pa ba?” walang abog na tanong niya. Kamuntik nang mabitawan ng dalaga ang hinuhugasan nitong baso dahil sa labis na pagkagulat. Bigla itong lumingon sa kanya. Pinamutlaan ito ng mukha. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya puwedeng balewalain ang masyadong magugulatin nbito. Duda siya na baka may sakit ito sa puso. “Are you okay, Janet?” tanong niya, habang humahakbang palapit dito. Tumango ito. Pagkuwa’y binalikan nito ang ginagawa. “I think you need enough time to rest. Huwag mo nang hintayin kung kailan uuwi ang bagong kasal. Bumalik ka na sa academy para makapagpahinga ka,” sabi niya rito. “Uuwi naman daw po kami mamayang madaling araw,” anito. “Good.” Bigla niyang naisip, paano ito uuwi? “Teka, sino pala ang kasama mong uuwi?” hindi natimping tanong niya.” “Si Erman po. Kasabay ko rin siyang pumunta rito,” tugon nito. Hindi na siya magtataka kung mabilis itong napalapit kay Erman. Friendly naman kasi si Erman. Lumuklok siya sa tapat ng lamesa. Binuksan niya ang pagkaing natatakpan sa harapan niya. “Kumain ka na ba?” pagkuwa’y tanong niya rito. “Hindi pa po. Mamaya na ako kakain,” sagot nito. Tiningnan niya ito. Kaya pala matamlay ang aura nito, malamang nalipasan na ng gutom. Ang normal na tao ay nanghihina kapag hindi nakakakain ng carbohydrate or pagkain na may protina. “Mamaya mo nang tapusin iyang ginagawa mo. Kumain ka muna,” sabi niya. “Sandali na lang naman po ito.” Nainis siya sa sobrang sipag nito, the way na napapabayaan na ang sarili. “No! Umupo ka dito sa tapat ko at kumain! Inaabuso mo na ang sarili mo!” Kinagalitan na niya ito. Kunot-noong lumingon sa kanya ang dalaga. Pagkuwa’y naghugas ito ng kamay at kumuha ng plato. Hindi ito makatingin sa kanya habang nagsasalin ng pagkain sa plato nito. Pagkatapos ay umupo ito sa pinakadulong silya sa gawing kaliwa niya na may isang dipa ang agwat sa kanya. Ang weird ng dating nito sa kanya. Wala naman siyang sakit na nakakahawa pero kung makaiwas ito sa kanya ay parang may kinakatakutan. “Janet, hindi ako ang uri ng bampira na basta na lang nananakmal. Please lumapit ka naman nang kaunti sa akin. Dito sa harapan ko para hindi tayo parang mga bingi na nag-uusap. Come here,” hindi natimping sabi niya rito. Walang imik na sumunod naman ito. Umupo ito sa katapat niyang silya. Halatang minadali ang pagpusod nito sa mahabang buhok dahil nagkalat ang ilang hibla at ang iba’y nakatakip na sa mukha nito. Bihira siya nakakatagpo ng babaeng katulad nito, na parang takot sa lalaki. Gusto niya itong bihisan at imulat ang isip nito sa mga bagay na hindi nito alam. Hindi siya makapag-focus sa kinakain niya. Nang napansin niya na dumarami ang hibla ng buhok nito na nalalaglag sa harapan ng mukha nito ay bahagya siyang tumayo at biglang hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na tumatakip sa mukha nito saka inipit sa likod ng tainga nito. Nanlalaki ang mga matang tumitig ito sa kanya. Tumigil ito sa pagsubo. Napansin na naman niya ang suot nitong singsing sa kaliwang kamay nito. Pagkuwa’y bumalik siya sa pagkakaupo. Naalala niya, noong sinagip niya ito ay may bukam-bibig itong pangalan ng lalaki, malamang fiance nito. “Ahm, Janet, bakit ka nga pala naroon sa hotel na nasunog noon? Sino ang kasama mo na pumunta roon?” usisa niya rito. Pinalamig niya nang kaunti ang boses niya para hindi ito matakot. May katagalan bago ito nagsalita. “Pinapunta ako roon ng fiancé ko. Ang sabi niya ay magde-dinner lang kami. Hindi ko inaasahan na magpo-propose pala siya sa akin,” kaswal na kuwento nito. “Pero bakit hindi mo kasama ang fiance mo sa kuwarto na iyon?” usisa niya. “Lumabas kasi siya matapos ang lindol. Ang sabi niya sa akin, hintayin ko siya dahil babalik din siya. Pero−” naging imosyonal na ito. Hindi nito napigil ang paglaya ng mga luha nito. “Hindi na niya ako binalikan,” patuloy nito habang pilit pinipigil ang paghikbi. He hates drama but Janet's emotions seem contagious, it sent a bit of pain in his heart. She got her sympathy. Dumampot siya ng tissue paper saka iniabot dito. Tumigil ito sa pagluha saka kinuha ang tissue sa kamay niya. Kaya pala suot pa rin nito ang singsing, na marahil ay ibinigay rito ng fiance nito matapos mag-propose ng kasal. Mas masaklap pa pala ang naging karanasan nito. “I’m sorry for asking. Masakit pa rin pala sa iyo ang nangyari,” aniya. “Okay lang po. Kahit papano ay unti-unti ko na siyang nakakalimutan.” “Good. But may I ask a favor?” Matamang tumitig ito sa kanya. “Ano po ‘yon?” gumagaralgal na tanong nito. “Puwede bang huwag mo na akong i-po? Parang ipinapamukha mo sa akin na matanda na ako. Just call me Zack,” sabi niya. Tumango lang ang dalaga. “Okay. Kapag narinig ko pa ang ‘po’ na ‘yan, kakagatin na kita, huh?” Tumango ito ulit. Parang bata ang kausap niya. “Hindi na, Zack,” naiilang na sabi nito. “Good girl. Eat well, darling,” nakangiting sabi niya. Napansin niya na tulala ang dalaga. Medyo weird din ito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD