Third POV "GOOD EVENING po senyorito." bati ni Manang Isa kay Hendrick nang makapasok ito sa loob ng mansion. "Nandito na ba silang lahat?" kaagad na tanong ni Hendrick kay Manang Isa. "Nasa sala na po silang lahat senyorito. Ikaw na lang ang hinihintay." sagot nito. Tuloy-tuloy na lamang siyang pumasok sa loob hanggang sa marinig niya ang ingay ng mga batang naglalaro sa sala. Naririnig niya ang boses ng mga nakatatanda niyang mga kapatid. Natigilan siya sa paglalakad ng tuluyan niya ng masilayan ang kaniyang mga kapatid kasama pa rin ng mga ito ang kani-kanilang mga asawa. "Finally, you're here." sumalubong sa kaniya ang kaniyang Ate Alyana. Humalik ito sa kaniyang pisngi. "Kanina ka pa hinihintay nila Mom and Dad. As usual, whenever we have a family dinner, you're always late