"Sige, magpaulan na kayo?" sigaw ni Jansen sa mga bumbero. Batid na ni Mang Fidel ang mangyayari. Hindi na niya tinangka na itago pa ang kanyang pamilya sa loob ng bahay sa pangamba niyang paputukan sila ng baril ng mga pulis na nakapaligid sa kanilang harapan. Napayakap na lang si Rosario sa kanyang ina. Pinagmamasdan ni Lucila ang reaksyon ng mga tao, para itong nanunuod ng isang pelikula na naghihintay sa kapana-panabik na eksena. "Diyos ko, kayo na po ang bahala sa amin." naiusal ni Lucila. Matatag pa din ang pagkakatayo ni Fidel, haharapin na niya anuman ang mangyayari. Nang magsimulang dumampi sa kanilang balat ang bawat patak ng tubig ay unti-unti ding naghiwalay ang kanilang mga katawan. Mistulang umuulan sa bakuran nila Mang Fidel. Nang mahati ang kanilang katawan ay kasab
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books