Chapter 40

2001 Words

"Akala ko tuluyan na 'kong makakasal kay Jansen, tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Mabait talaga sa 'kin si Lord." saad ni Rosario kay Devon habang magkakwentuhan ito sa hardin nang makauwi na sila. "Ako din naman eh. Ang tagal nating namroblema, si Tatay lang pala ang solusyon sa lahat. Ayaw ko na nga ipasabi sa kanya 'yung tungkol sa problema natin, kaya pasalamat tayo sa lakas ng boses nitong si Sally. Narinig kasi ni Tatay ang Engkantuta kaya ayun, nakialam na si Tatay sa kwentuhan namin," ani Devon. "Minsan pala eh may pakinabang din 'yung lakas ng bunganga ko." nakangiting biro ni Sally. "Sally, salamat nga pala sa suporta mo ha. Saka sana tayo na ang magkabarkada pagpasok ko ng eskwelahan n'yo. Bale sabay tayong gagradweyt noh." sabi ni Rosario. "Oo naman, sanggang dikit na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD