Chapter 27

2076 Words

"Nasaktan ka ba?" tanong ni Rosario nang muli itong bumalik sa kalahati nitong katawan. "Hindi naman. Ako nga dapat magtanong sa 'yo eh. Salamat nga pala ha. Ikaw pa nagtanggol sa 'kin." ani Devon. "Sus, buti na lang at ganito 'ko, kung hindi eh hindi ko din kakayanin mga 'yun. Ang yayabang, ano napala nila, mga nagbahagan ang mga buntot." nangingiting sambit ni Rosario. "Tara na Rosario, baka may makakita pa sa 'tin dito. Tiyak na magsusumbong mga 'yun."  yakag ni Devon na sinabayan na ng hawak sa kamay ni Rosario upang umalis na sa lugar na iyon. Gaya ng inaasahan, mabilis na kumalat kinabukasan ang usap-usapan tungkol sa naengkwentrong manananggal ng tatlong kalalakihan sa kabayanan. Dahil din sa anak ng isang konsehal ng barangay ang isa sa mga ito, nakarating agad sa bawat baryo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD