Masigla ang bangon ni Devon kinabukasan na agad namang napuna ni Aling Salome. "Mukhang maganda gising mo ngayon ah. Siguro may bago ka na namang nililigawan noh?" ani Aling Salome habang naghahain ng almusal. "Nay, hindi ko naman kailangang manligaw pa ng iba, alam mo namang stick to one lang ako." tugon ni Devon habang paupo sa harap ng mesa. "Anong stick to one? Eh 'di ba't nakipag-break na kamo sa 'yo si Rosario? Kanino ka naman magiging stick to one aber? Nakapagpalit ka na ba agad? Napakabilis naman yata." "Nay, si Rosario pa din. Saka hindi naman pala niya boyfriend 'yung nagpupunta sa kanya na de-kotse. Makulit lang na manliligaw. Pero siempre, hindi ako ipagapalit ni Rosario du'n." Napatigil panandali si Aling Salome sa paghahain at binalingan ang anak. "Ano kamo? Eh akala