"Mukha talagang totoo. Pati ang hipo, ang kinis. Parang balat ng mayaman." patuloy sa pagsasalitang mag-isa ni Alkng Salome habang sinisiyasat nito ang napagkamalang props na kalahati ng katawan ni Rosario. Piniga-piga pa ni Aling Salome ang puwit ng napagkamalan niyang manikin. "Ay ang lambot naman, nakakatuwa. Parang totoo." nangiti pang mag-isa si Aling Salome. Samantala patuloy na nakikiramdam si Rosario sa bawat ginagawa ni Aling Salome sa kanyang kahati. Nakaantabay naman si Devon sa sasabihin ni Rosario. "Devon, piniga pa ng nanay mo 'yung puwet ko. Pero hindi naman masakit. Kinakabahan ako Devon." ani Rosario. "Basta 'wag kang gagalaw Rosario, nandu'n pa ba si Nanay?" pigil ang hininga na tanong ni Devon. "Oo, nararamdaman ko nasa tabi ko pa din siya. Hindi pa siya umaalis."