“Sir, kumain daw ho muna kayo ng tanghalian sabi ng dad ninyo,” ani ng boses babae pagkatapos nitong kumatok ng tatlong beses sa pinto. “Susunod na ho,” tugon ni Gabriel. Kakatapos lang nilang mag-shower at nakapagbihis ng mga oras na iyon. “Bumaba muna tayo,” aniya kay Sam. “Puwede bang dito na lang muna ako?” Nahihiya kasi si Sam na makiharap sa daddy ni Gabriel kaya kahit gutom na siya ay titiisin na lang niya makaiwas lang. “My wife, ilang beses ko bang sabihin sa iyo na magtiwala ka lang sa akin? Sinabi ko na sa iyo na wala kang dapat ikabahala kapag kasama mo ako, hindi ba?” “Naiilang ako. Hindi alam ng daddy mo na ikaw ang ikinasal at hindi ang kuya mo. Paano kung-“ “Enough.” Agad na putol ni Gabriel sa iba pang sasabihin ni Sam. “Halika na,” aya nito sa hinawakan na siya sa k