Wala na sa sariling ginagantihan ni Sam ang mga halik ni Gabriel. Hindi lang kilabot ang hinahatid nang magagaling na labi ng asawa. Hindi lang tuhod niya ang nanghihina kun’di ang buo niyang katawan. Wala pa man ay nanlalambot at binabalot na siya ng kakaibang pakiramdam. Nakakapanghina. Nakakaliyo. Wala ng inhibisyon ang katawan niya habang lumalaban ng halik kay Gabriel na parang uhaw at sabik na ginagagad, hinahalikan at sinisipsip ang labi at dila niya. She can feel his enthusiasm to taste her lips and his desire in every touch he gave to her body. Ramdam sa bawat halik ng asawa ang kasabikan. Ang mga kamay nitong kanina ay nasa likuran at baywang lang niya ay tuluyan ng bumaba sa pang-upo niya. Gano’n na lang ang pagdaing niya ng pinisil nito iyon habang kinagat ang mga labi niya n