“Hah?” Napabalikwas ng bangon si Sam. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya dahil sa sobrang pagod. “Bakit?” tanong ni Gabriel sa kanya. Kagigising lang nito at nakatitig sa maamong mukha ng asawa. Hindi nakasagot si Sam dahil napatuon ang tingin niya sa kayamanan ni Gabriel. “Oh my God!” bulalas niya na agad napatakip ng mata. Nasundan naman ni Gab ang direksyon kung saan nakatingin si Sam kanina. At napatawa siya nang makita na hindi pala siya nakasuot ng brief at malayang nakakahinga si junior niya. “Takpan mo nga iyan!” Hindi pa rin nakatinging sabi ni Sam. “Bakit ba? Nakita mo naman na ito, ah,” nakangising saad ni Gabriel. “Basta takpan mo.” “Kung ayaw kong takpan ano ang gagawin mo?” “Hindi na ako tatabi sa iyo matulog.” “Sus, sa lagay na iyan ayaw mo pa ako makatabi