“Ha!?” Napabalikwas ng bangon si Sam ng sa pagmulat ng mata ay nasa kama nan siya. Paano nangyari? Nasa sasakyan ako kanina bakit narito ako sa kama? Inilibot niya ang kanyang paningin at hindi naman siya pamilyar sa kuwarto na iyon. Pinakiramdaman rin niya kung may tao sa labas. Nang wala siyang marinig ay bumaba siya ng kama. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at idinikit ang tainga upang muling pakinggan kung tao sa labas. Tahimik pa rin kaya dahan-dahan niyang pinihit ang siradura ng pinto upang buksan ito. Hindi pa man nakakalahati ang bukas ay alam na niyang nasa hotel suite siya kung saan sila naka-check in dahil pamilyar sa kanya ang sofa na nasa labas. Kaya siya hindi pamilyar sa kuwarto dahill hindi naman siya nakapasok roon noong unang araw nila sa hotel. Ibig sabihin ay binuh