“What do you want to eat?” It’s almost 6 pm na kaya alam ni Gabriel na gutom na si Sam kaya tinanong niya ito. “Kahit ano. Hindi naman ako maarte sa pagkain,” tugon ni Sam na ang mga mata ay nasa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi na nga niya namalayan ang oras dahil aliw na aliw siya at busog na busog ang mga mata sa magagandang tanawin sa dinaraanan nila. “Okay,” anito saka nagdayal sa cell phone at may tinawagan. Alam ni Sam na si Fred ang tinawagan ni Gabriel kaya tahimik lang siya. Akala nga niya hindi siya nito kakausapin dahil sa pang-aasar niya kanina. Muli naman siyang napangiti nang maisip ang kalukuhan niya kanina. Hindi talaga niya inakala na masasabi niya iyon kay Gabriel. Napatingin naman si Sam sa basket na may lamang itlog ng pabo na hawak-hawak niya. Ang dami niyon ka