Habang naliligo si Gabriel, inayos na ni Sam ang kama. Nilagyan niya ng harang na unan ang pagitan nila nilang dalawa. Kainis! Akala ko pa man din makakatulog ako ng mahimbing ngayong, gabi hindi pala. Paano ba matulog ng dilat ang mata para nakikita ko kung may gagawin siyang hindi maganda sa akin? Lord, kahit ngayong gabi lang po, bigyan po ninyo ako ng kakayahang makatulog ng dilat ang mga mata. Kahit ngayong gabi lang po. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ni Sam ng mga oras na iyon. Sino ba naman ang hindi mag-aalala? Mas nauna pa niyang makatabi ang ibang lalaki kaysa sa asawa niya. At ang mas nakakabahala pa ay kapatid ni Gabriel ang asawa niya. Hindi ba alam ni Gabriel na siya ang pinakasalan ng kuya nito? Hays! Parang gusto ko na lang maglaho! aniya pa sa isip. Pagkatap