Pagbalik ni Sam sa kuwarto nila ni Gabriel ay napakunot noo siya. Nadatnan kasi niyang nakaupo ito sa sofa at nagsasalin ng wine sa dalawang baso. "Let's celebrate your success tonight," anito. "Ha? Success in what? Wala naman akong ginawa na dapat i-celebrate,” nagtatakang tanong ni Samantha. "Well, for sure ay napapayag mo si uncle na tulungan ako. I can feel it. Common let's celebrate," aya nito sa kanya. Kahit nagtataka, lumapit naman si Sam at naupo sa tabi nito. Pagkaupo naman niya ay iniabot sa kanya nito ang glass wine. Kinuha naman ito ni Sam. "Cheers," nakangiting ipiningki ni Gabriel ang baso sa baso niya at sabay dinala sa mga labi ang baso at sumimsim. . . habang magkalapat ang mga mata nila. Nakaramdam naman ng pagkailang si Sam dahil sa mga titig ni Gabriel. Hindi siy