bc

The Taste of Forbidden Love (Rated R-18) [COMPLETED]

book_age18+
102
FOLLOW
1K
READ
billionaire
forbidden
curse
drama
bxg
bold
small town
cruel
like
intro-logo
Blurb

Masarap ang bawal. Iyan ang pumasok sa isip ni Alcindra Alcantara habang tinutugon ang marahas na halik ni Langdon Asturia. Siguradong kapag nalaman ng kanilang mga angkan ang kanilang mga pinaggagagawa ay mauuwi na naman sa madugong labanan ang lahat. Pero paano niya mapaglalabanan ang sariling karupukan kung animo'y diyosa siya kung sambahin ng lalaking matagal na niyang itinatangi? Bakit pa niya pipigilan ang sarili kung ibinibigay na ng pagkakataon ang matagal na niyang ipinagdarasal?Kahit alam niyang labag sa batas ng kaniyang pamilya ang pagbibigay sa sarili sa lalaki, wala siyang pakialam. Kahit panandalian lamang ang maibibigay na panahon sa kaniya ni Langdon ay hindi pa rin ito naging dahilan para layuan niya ang lalaki. Kahit alam niyang wala nang kakayahan ang lalaki na magmahal dahil matagal nang namatay ang puso nito kasama ng pinaslang na kasintahan, patuloy pa rin siyang nagpakapipi at bingi. Pero ang isang Alcantara ay hindi para sa isang Asturia. Para silang langis at tubig. Kailanman ay hindi sila maaaring magsama.

chap-preview
Free preview
Prelude, Prologue 1
There are two warring families living in Monte Vega—the Asturias and the Alcantaras vying for the rule over the land, the politics, and the business. Decades ago, two young hearts fell madly in love that tragically ended in a m******e. The Alcantaras and Asturias mourned the dead bodies of their first children. Now history will repeat itself. There will be another battle, a bloodbath will spill into every part of Monte Vega and Cerro Roca in the quest for power, dominion, revenge, and love. Just how it was in the past. It will also be in the present. Hawak ng teenager na si Alcindra ang latest model ng digital camera habang nakatuntong ito sa nakausling sanga ng patay na puno ng kaymito. Nakatutok ang lente ng camera nito sa binatilyong buong kisig na nagpapakitang-gilas sa pangangabayo na nasa kabilang bakod ng hacienda ng mga Asturia. Namumula ang mga pisnging mas itinuon pa nito ang zoom sa mukha ng binata at pinindot ang capture button. Sunud-sunod ang ginawa nitong pagpindot na para bang nakikipagkarera rin dito. Nang hindi makontento sa pictures ay ini-on nito ang video mode ng camera at itinutok uli ito sa lalaking nakababa na sa kabayo at ngayon ay nagpapahinga na sa nakalatag na blanket. Sinundan ni Alcindra ng tingin kung paano nito hinawi ang may kulay na buhok at uminom ng tubig mula sa water jug. Sa kalayuan ay nakatali na sa isang puno ang kabayo. Pinalis nito sa balikat ang mga nalaglag na dahon mula sa halaman na pinagkukublihan. Alisto rin ang kaniyang mga tenga sa posibleng pagtawag ng kuya niya sa kaniya. Kabilin-bilinan nito sa kaniya nang minsang mahuli siya nito sa boundary ng lupain ng mga Asturia na 'wag na 'wag siyang magkakamaling bumalik pa rito. Isa sa mga batas ng pagiging isang Alcantara ang pag-iwas sa mga Asturia. Bawal silang kausapin. Bawal silang kaibiganin dahil mga traydor ang kanilang pamilya. Pero hindi niya mapigil ang sariling suwayin ang batas na iyon dahil kay Langdon Asturia, anak ni Ferdinand Asturia at mortal na kaaway ng kaniyang papa. Unang kita pa lamang niya rito ay kaagad na tumibok ang kaniyang batang puso. Summer noon at bali-balita sa buong Monte Vega ang pagdating mula sa Amerika ng isa sa mga anak ng patriarch ng mga Asturia para magbakasyon. Kakatapos lang ng cielo lesson niya sa isang world class na musician na kinontrata pa ng kaniyang ama mula sa Europe nang maisipan nila ni Tatiana na pumunta ng spa. May spa room naman sila sa mansiyon pero mas gusto niya ang lumabas para i-enjoy na rin ang nalalabing araw ng bakasyon. Ilang araw na kasi silang nakatigil sa music room para paghandaan ang ika-animnapung kaarawan ng kanilang abuelo. Maghahandog ang bawat apo ng isang pagtatanghal. Ang kung sinuman ang pinakanagustuhan ay pagkakalooban ng isang libong ektaryang lupain at kuwintas na diyamante na mula pa sa namayapa nilang abuela. Papasok na sila noon sa entrance ng mall nang makasalubong niya ang pinakamagandang pares ng matang nakita niya sa tanang buhay. His eyes are a mixture of blue and green hues. Bumaba ang tingin niya sa ilong at labi nito. Matangos ang ilong na parang nililok ng isang iskultor at napakapula rin ng mga labi na may naglalarong pilyo na ngiti habang nakikipag-usap sa kaakbay nito na babae. Maputi ang makinis na balat nito na para bang hindi pa nasisikatan ng araw kahit kailan. The red highlights on his hair first caught her attention because he looks so out of the place with it. A rebel to the immaculate propriety and order of the town. His body is not that big though he's lean. Napakatangkad rin nito na sa tantiya niya ay mga nasa 6'1. While looking at his carefree smile, she knew deep inside that she was smitten by him but she immediately discarded the idea. Tall, handsome and with a very unique pair of eyes. This is easily the trademark of an Asturia, their nemesis. Hindi naman siya nagkamali dahil nasa likod lang nito ang taong kilalang-kilala niya dahil sa kaniyang kuya. The man behind looks very similar to the guy with the hair highlights except that he has a full black hair. Sandaling tumigil si Luca Asturia at tiningnan sila partikular na si Tatiana na busy sa kausap sa cellphone. Walang ekspresyon na binawi rin nito ang tingin saka nagpatuloy sa paglalakad palabas sa exit. Sinundan niya ng tingin ang mga ito lalo na ang lalaking ngayon ay napagtanto niya na si Langdon base na rin sa buhok nito. Apparently, he and his hair are the subject of every teenage girl in town. Pinakawalan niya ang kanina pang pinipigil na hininga. Sinubukan niya ring itatwa ang panghihinayang na nadama dahil hindi niya pa ito mabigyan ng kahulugan. She thought it was the end of her short-lived phantasm but days later, she found herself eavesdropping in the kitchen while the daughters of their cooks talked about Langdon and how he's a handsome, charming, and intelligent but rebellious young man rolled into one. Magmula noon, nagsimula na siyang madalas na magpunta sa downtown para lamang humiling na makita niya uli ito kahit nga ba halos magkapitbahay lang sila. Sinasabi niya sa sariling crush lang ito, na mawawala lang din ito kalaunan pero bigo siyang ipagtabuyan ang nararamdaman palayo dahil kahit sa panaginip ay ginagambala siya ng mukha nito. Kaya naman pinalaya niya na ang sarili tutal ilang linggo na lang ang paglalagi ni Langdon sa lugar. Katwiran niya, mag-iipon na lang siya ng mga mukha nito para baunin sakaling umalis na ang lalaki pabalik sa Amerika. "Ew Alcindra, I thought you're naive. Bakit ka na gumagawa ng ilegal ngayon?" Shocked na nilingon niya ang nagsalita. Agad na pinatay niya ang camcorder at itinago sa likod. "Basha! What are you doing here?" "I should be the one asking you that. What are you doing here hiding and recording behind the bushes?" "Shhh! Wag kang maingay. Baka marinig ka nila." Hinila niya ang kamay ni Basha para dalawa na silang nagsisiksikan sa likod ng malagong halaman. Nakiusyuso na rin ang pinsan sa ginagawa niya. "Oh god! You are stalking the guy! Alcindra, why didn't tell me beforehand? Sana natulungan pa kita. Look at that cutie, o." Humagikhik ito. Natahimik naman siya na agad naman nitong napansin. "Sira! I don't mean Langdon. Hindi ako tumatalo nang kaanak 'no. I'm talking about Sergio." Ibinalik niya ang tingin sa lalaking tinutukoy nito na nakatayo sa harap ni Langdon at parang sinesermunan ito. Sergio Asturia is a cousin of Langdon. "Uhm Alcindra, I think you should look for another man to fantasize. Your boy is already taken." May sumigid na sakit sa loob niya nang makita ang ginawang paghalik sa pisngi ni Langdon sa bagong dating na babae. Umupo ang babae sa tabi nito at pinunasan ang pawis ng binata gamit ang panyong dala nito. "Ano ka ba naman, Basha. Humahanga lang naman ako sa kaniya. Hindi ko naman siya aagawin mula sa nobya niya at alam ko namang bawal 'tong nararamdaman ko para sa kaniya." "My, my, dear cousin. You are really one of a kind. Napakamasunurin mo talagang bata. Gospel truth yata para sa iyo ang walang kuwentang batas na iyan. Kung ano yata ang sabihin sa iyo ng mga magulang at kuya mo ay walang pag-aalinlangang susundin mo." Kinuha ni Basha ang camera kay Alcindra at siyang nagpatuloy sa lihim na pagkuha ng pictures. "Di ba dapat ganoon naman talaga? They know better than us. At hindi ko rin naman minamasama ang mga ginagawa nila para sa akin. I know that they are only doing this for me." Sumusukong napailing ito. "Right St. Alcindra." Ibinigay nito uli sa kaniya ang camera. "Ipasa mo sa akin ang mga pictures ni fafa Sergio ko ha." Tumayo na ito. Noon niya lang napansin ang suot nitong tank top at maiksing palda na pinaresan nito ng boots. "Saan ka pupunta, Basha? Di ba magsasanay pa tayo sa pagtugtog?" "Saglit lang ako. May pupuntahan lang ako sa bayan," ani nito at iniwanan na siya. Napailing na lang si Alcindra. Kahit kailan talaga ay pasaway si Basha. Sa lahat ng mga babaeng Alcantara ay ito ang pinaka-happy go lucky na tipo ng tao. Tatakasan nito ang lahat kahit pa ang ama nitong si Chuck para lang makapunta ito sa mga parties ng mga kaibigan nito. Bumuntung-hininga si Alcindra bago ibinalik ang tingin sa magkapareha na nagtatawanan habang nag-uusap. How she wished she could have the courage and the personality of Basha so that she could approach guys like Langdon like it's nothing to her. But even if she has it, she knew that it's too late because the way he looks at his girl is one that Alcindra can only hope for. Napahiyaw siya bigla nang may naramdaman siyang kumagat sa paa niya. Nang yumuko siya para tingnan ang parte kung saan masakit ay mas napasigaw siya sa nakita. Nagkalat na kasi sa paanan niya ang mga pulang langgam. Ibinalik niya ang tingin sa magkasintahan na nabulabog na ng kaniyang ingay. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang papalapit na si Langdon. Dali-dali siyang gumapang paalis sa likod ng puno at nakayuko ang ulo na tumalilis sa lugar na iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
17.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
153.9K
bc

His Obsession

read
97.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
6.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook