Three years later after the downfall of the Alcantaras
"Alcindra! Alcindra! Nasaan ka?! Alcindra!"
Nagkukumahog na bumaba si Alcindra mula sa ikalawang palapag nang inuupahan nilang maliit na apartment na tatlong buwan na nilang tinitirahan at nagtatanong ang mga mata na tiningnan ang nakakatandang kapatid na si Nathan.
Magulo pa ang buhok nito dahil kagagaling pa lang sa kama. Sa kaliwang kamay ay hawak nito ang isang libro na may itim na pabalat.
"What is it kuya?" ang nagtataka nitong tanong nang makita ang kapatid na naliligo sa sariling pawis at tensiyonado.
"Pack your bags immediately. We'll leave in fifteen minutes."
Nagulat man sa narinig ay hindi na ito nagtanong pa. She ran back upstairs and pulled all her pre-pack knapsacks and set it on her bed that she will surely miss.
Sunod naman niyang kinuha ang malaking maleta at nagmamadaling inilagay na ang iilang mga damit, sapatos, toiletries, at mga librong nakakalat sa sahig.
Pagkalipas ng ilang minuto ay kumakatok na ang kuya niya para kunin ang kaniyang mga gamit. Pagbalik ay dala na nito ang bullet proof vest at isinuot sa kaniya. Kahit nangingilid na ang mga luha sa mata ay nagawa pa rin niyang itanong ang kanina pang bumabagabag sa kaniya.
"Kuya, w-why?"
Sandaling natigilan si Nathan sa narinig. Niyakap siya nito nang mahigpit at hinalikan sa ulo pagkatapos ay sinapo ang kaniyang mukha para pahirin ang kaniyang mga luha.
"Natunton na nila tayo. Kanina ay tinawagan ako ni Basha. They were narrowly caught this morning. She warned me that we're next. We're not safe here anymore so we have to evacuate the area right now. Just trust your kuya, okay Alcindra? Kailanman ay hindi kita ipinahamak. Your big brother will always protect you. I will always keep you safe, angel."
"I'm more worried about you. Ikaw ang hinahanap nila. Baka kunin ka nila sa akin, kuya. Baka ano pang masamang mangyari sa iyo. I am useless. They know I am so hurting me will do nothing," umiiyak na wika niya habang yakap ang kapatid na tumayo ng mga magulang niya mula ng magkawatak-watak ang buong angkan ng mga Alcantara.
Sa mga panahong ganito na kailangan na naman nilang tumakas mula sa mga walang mukhang humahabol sa kanila ay mas natatakot pa siya sa kapakanan ng kapatid kaysa sa kaligtasan ng sarili niya.
"Listen, angel. Walang masamang mangyayari sa akin, okay? Hindi nila ako kaya. Takot sila sa akin, you know that. I can easily defeat them all."
Hinila nito ang kaniyang kamay patungo sa back door.
"Let's go. We don't have much time."
Nagmamadaling sumakay sila sa itim na Vios na naghihintay sa garahe, puno ang mga gamit nila na puro mga damit lang.
Para sa kanilang mailap ang tulog sa gabi at kapayapaan sa dibdib ay sayang lang ang karagdagang gamit na bibilhin nila na kailangan din nilang iwan sa panahong kailangan na naman nilang tumakas.
Kaagad na binuhay ni Nathan ang makina at pinaandar ang sasakyan palayo. Malungkot na tinanaw na lang ni Alcindra ang bahay na akala niya ay siyang magiging permanenteng tahanan nila.
Sa ilang taong pagtatago ay pinilit niya ang sariling huwag magkaroon ng anumang attachment sa bawat lugar na tinutuluyan at sa bawat taong nakakasalamuha kasi alam niya na pansamantala lang ang lahat.
Sa sandaling may makaalam ng tunay nilang pagkatao ay kailangan na naman nilang umalis kaagad. Ang pinakamatagal na nilang inilagi sa isang lugar ay dito sa mapayapang subdivision kung kaya't akala niya ay hindi na sila matutunton pa ngunit nagkamali na naman siya.
"Kuya, gusto ko ng umuwi ng Monte Vega. I missed mom and dad. I missed my horse. I missed everything, kuya."
Hindi na niya napigilan ang sarili na mapahagulhol nang unti-unti nang lumiliit sa kaniyang paningin ang lugar na napamahal na sa kaniya.
"Don't look back. Eyes on the front. Don't look back, Alcindra. Eyes on the front. Come on, angel. Look at me. Only look at me," pagsamo ni Nathan na sinunod naman ni Alcindra.
"Hey, angel."
Inabot ni Nathan ang basang mukha ng kapatid at masuyong pinahid ng palad ang mga luha nito.
"We will go home, Cin. Pangako ko sa iyo iyan. We will go back to Monte Vega someday, angel. Just not now kasi napakagulo pa ng lahat pero kapag nasiguro ko na ang kaligtasan natin ay uuwi rin tayo, okay? Kaunting tiis pa, ha. Para kay kuya. Can you do that for me, Cin?"
Tumango si Alcindra at niyakap ang braso ng kapatid.
"I'm sorry for acting that way. Sorry, kuya. I was so selfish for saying that. I promise that I'll do better. For you. For mom and dad. For our clan."
He kissed her head and continued driving. Ipinikit naman ni Alcindra ang mga mata at hinayaan ang sariling ilabas ang kalungkutan.
She missed her parents so bad. For three years, she wasn't able to see any of the two of them. Kahit tawag ay bawal kaya nagtitiyaga siya sa mga texts lang pero kahit iyon ay dumalang at naglaho na lang bigla ang komunikasyon nila sa mga magulang nitong buwan lang.
Ang suspetsa ng kapatid ay mukhang kailangan na naman nilang umalis sa lugar na kanilang pinagtataguan kaya naputol ang mga messages nila sa kanila.
Nag-aalala man ay wala siyang magawa. She is just so helpless and she knows she can do nothing about it.
Nang makalabas na ng siyudad ay unti-unti na rin niyang natanggap ang katotohanang lilipat na naman sila. Ang tanong lang niya ay kung saan.
Ilang oras pa ang ibinyahe nila bago sila tumigil sa gasolinahan para magpa-gas at makabili ng makakain. Pagkatapos mag-lunch ay sumabak uli sila sa mahabang biyahe.
Tiningnan ni Alcindra ang kapatid na kunot-noong nagmamaneho. Nasa twenties pa lang ang kapatid niya pero animo nasa treinta na ito kung mag-isip. Naaawa na siya rito dahil ito na ang sumalo sa mabibigat na responsibilidad pagkatapos ng mga nangyari.
Pagkalipas ng ilan pang oras na hindi pa rin sila humihinto ay doon na siya nagtanong sa kapatid.
"Kuya, saan na tayo papunta ngayon?"
Nathan looked at her, smiled, and pointed at the arc above them.
"We're here now. We're here at Cerro Roca, Cin."