"Lang, mauna ka na sa baba, ha. Susunod lang ako. May kailangan lang akong gawin." Hindi na niya hinintay ang sagot mula rito at nagmamadaling bumalik sa trail. Nasa kalagitnaan na sila ng daan papunta sa pinagparkan ng kotse ni Langdon. Kailangan niyang bumalik dahil may nakalimutan siyang mahalagang gawin. Hinanap niya ang pinakamalaking puno ng molave kung saan may ibinaon silang magpipinsan bago pa man nangyari ang mga nangyari. Nangako silang huhukayin ito sa takdang panahon kapag nagkita uli sila. Kumuha siya ng matulis na kahoy at nagsimulang sulatan ang katawan ng puno. CIN WAS HERE. Pagkatapos niyon ay nakangiting sinundan niya ang likod ni Langdon. Hindi pa sa ngayon ang tamang panahon. Alam niyang sabay-sabay nilang kukunin ang kahong iyon kapag nakumpleto na sila rito sa