She woke up hours later without Langdon by his side. Latag na ang kadiliman sa labas kaya bumangon siya para hanapin ito. Magtatanong siya kung ano ang gusto nitong kainin sa hapunan. Inasikaso siya nito kanina kaya dapat suklian niya rin iyon. "Do not bring Keon. May malaking atraso pa siya sa akin. Kulang pa ang sugat na nakuha niya kanina. Baka siya pa ang maging dahilan na hindi maging matagumpay ang misyong ito." Napahinto siya sa tuluyang paglabas nang marinig niya ang tinig ni Langdon sa sala na may kausap sa cellphone. "Are you sure it's them you've spotted? Why are they here in Cerro Roca of all places when they know we're here? Check the information again if they're really Alcantaras. I'm coming over." Nanlalaki ang mga matang bumalik siya sa kama nang marinig niya ang mga ya