DAMMIT! I overslept! Pain throbbed against his temple when he abruptly sat up. Hinilot niya sandali ang pagitan ng mga kilay niya bago tumingin sa digital clock na nakapatong sa katabi niyang mesa. Isang malutong na mura ulit ang lumabas sa bibig niya nang makita niya kung anong oras na. It’s almost 6 pm! Nakatulog siya ng pitong oras? Napatingin siya sa bintana at nakita niyang madilim na. Dali-dali siyang umalis sa kama at nagbihis. Naligo na siya pagkadating niya pa lang ng bahay kanina. Pagkatapos non, kaagad na nakaramdam ng sobrang pagod ang katawan niya kaya ang bilis-bilis niyang nakatulog. He thought about his mother. Ang sabi nito tatawag ito kapag nagising si Faith. He went looking for his phone kahit na hindi pa niya halos nasusuot ng maayos ang damit niya. 10 missed call