"SO, ANO ang sabi ng doctor? Kailan ka daw puwedeng umuwi?" tanong ni Emma pagpasok niya ng kuwarto ko. Ngayon ang pangalawang beses na dumalaw siya rito. Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. "I was supposed to go home yesterday. Pero si Alex ang nag-insist na manatili muna ako rito ngayon para daw makapagpahinga ako nang husto. He's so stubborn." Hindi na ako nakapagsalita kahapon dahil pati si Tita Irene ay ganoon din ang gusto. "And what was the sigh for?" She glanced at me while she’s taking out the food from the plastic bag she brought and put them on the table. "Faith, hindi mo talaga matatanggal kay Xander ang mag-alala. He's your husband kaya natural lang na gustuhin niyang makapagpahinga ka ng maayos." "Yeah. But I still think he's a little bit overreact