ONE YEAR and four months later... "Nasa’n ka na?" "I'm already in. Ikaw?" Napatingin si Alex sa sariling relo. Five minutes lang siyang na-late. Usapan nila 6 pm, pero mukhang mas nauna pa siyang dumating kaysa kina Billy at Drew. "Don't tell me on the way ka pa?" iritadong tanong niya kay Billy. "Wala pa si Drew?" "Wala din. Ako lang ba ang pupunta rito o talagang nakalimutan ninyong may usapan tayo?" May importante pa siyang tinatapos sa gagawin niyang exhibit, at sa makalawa na iyon kaya kailangan niyang maghanda nang mabuti. "Well, I think I can't make it today. Ako ang pinagbantay ni Janna kay Spike. Wala kasi ang nanny niya, may sakit," pagdadahilan ni Billy sa kabilang linya. Napabuntong hininga siya. Looks like he’s set-up again. "Okay, sino na naman ang blind-date ko ngayon