DALAWANG ORAS. Dalawang oras akong naghintay at nagbaka-sakaling babalik at darating si Alex. Ngunit walang dumating. Dalawang oras ng naghihintay si Jed sa labas ng bahay. Dalawang oaras na ding nakatayo ang gamit ko sa paanan ng pintuan. Inikot ng mga mata ko ang kabuuan ng bahay. Dito. Dito sa bahay na 'to nagsimula ang mga pangarap namin ni Alex. Mga pangarap na hindi na kailanman matutupad. Nakakabinging katahimikan lamang ang pumapalibot sa akin habang nakatayo ako sa baba ng hagdanan. Walang tao sa bahay. Wala si Nay Julia at si Alex. Hindi ko alam kung tadhana bang matatawag ito, pero parang sinasabi na rin nito na ito ang tamang desisyon na dapat kong tahakin. Dahil walang pipigil sa’kin. Hnmakbang ako palapit sa pintuan, at sa bawat hakbang ko, isa-isa ko ng hinuhubad ang