Chapter 14 3rd Person's POV Walang nakaimik sa mga bata matapos marinig iyon. Natawa si Janus at ginulo ang buhok na anak ng babae. "Totoong lahat ng bagay maari niyong makuha. Isa kayong mga Marquess at Revere ngunit hindi kayo gusto ng papa niyo ma-spoild. Hindi niya gusto lumaki kayong nasa mindset na make it then think later." "Diba Hagen?" tanong ni Janus na kinatingin ni Hagen. Napaiwas pa ito ng tingin matapos ma-realize na may pinahihiwatig ng ama nito na alpha. Pagkatapos nila kumain nagkanya-kanya ng alis ang mga ito sa hapagkainan. Naiwan naman si Hagen sa dining table at nakatingin sa papa Irie at daddy Janus niya na nasa kusina. Nakasandal si Janus sa maliit na lamesa na nasa kusina habang nakatalikod si Irie at naghuhugas ng mga plato. Mukhang nagkakatuwaan ang da