Chapter 15 3rd Person's POV Mula sa walang hanggan na kadiliman. Yakap ni Hagen ang katawan ng alpha. Nakaupo siya habang yakap ang katawan ng alpha. "Hindi ko pala nasabi sa iyo na kapag nawala ang mate ng isang snake shifter. Magwawala ang nilalang na iyon," bulong ni Hagen habang yakap ang alpha sa katawan. "Sobrang dilim dito. Kung gising ka lang sigurado na magagalit ka sa akin dahil sinama kita sa lugar na ito." "Sobrang nagsisisi ako ngayon dahil wala 'man lang tayo kahit konting magandang ala-ala. Kung alam ko lang na ganito magiging kaiksi ang buhay natin sana mga bata pa lang tayo binuntutan na kita katulad ng matagal ko ng gusto." "Maging kaibigan ka, maging kalaro tapos makasama ka hanggang sa pagtanda," ani ni Hagen na mahinang natatawa. "Hayaan mo sa sunod na, pag