Chapter 34 3rd Person's POV Nakasandal si Mortell sa tagong bahagi ng opisina. Nakapako ang tingin nito sa ilang school staff na palihim na naglalakad sa hallway papunta kung saan. "Anong ginagawa ng school staffs sa dis-oras ng gabi?" tanong ni Hakken matapos makita ang ilang prof nila. "Wala akong idea pero nararamdaman ko na may mali dito," ani ni Mortell matapos makita ang bakas ng black magic sa katawan ng mga ito. Iyon ang pangatlong araw na inobserbahan niya ang mga ito since aksidente niya ang mga ito nakasalubong. Sa 'ganon na oras wala na dapat mga estudyante o school staff sa loob ng university. Isa iyon sa rules at dahil may ginagawa siyang hokus focus sa mga gwardya na dapat roronda malaya silang gumala sa campus ng walang inaalala. "Inutusan mo si Chartell na gu