Chapter 35 3rd Person's POV "Sinong may gawa nito?" "Nakakakilabot parang hindi tao ang gumawa," "Ito na iyong pangalawang biktima, Mortell," ani ni Barbara habang nakatingin sa mga miyembro ng triad na kasalukuyang tinitingnan ang katawan ng estudyante na pinatay sa loob mismo ng dorm niya. "Mukhang sinakal din ito tapos naubusan ng dugo," ani ni Barbara na may pagkadisgusto sa mukha. "Hindi kaya may nakapasok dito na isa sa mga alagad ng nilalang na iyon?" tanong ni Aedion habang naglalakad sila pabalik sa building nila. Sinilip lang nila ang lugar na iyon para makumpirma. Sigurado kasi sila na wala na naman silang klase dahil sa triad. Iinspeksyunin ang buong lugar at magtatanong-tanong sa mga estudyante. Walang umimik sa tanong ni Aedion dahil may nakita sina Mortell na m