Chapter 36 3rd Person's POV Tinungo ni Aominee ang kusina. Nagsalin ng tubig at nilaklak iyon. Nakailang salin si Aominee ng malamig na tubig bago natanggal ng tuluyan ang panunuyo ng lalamunan ng alpha. Hindi niya talaga nakokontrol ang sarali kapag dating kay Hagen at dahil nga buntis ito todo ingat talaga ang ginagawa niya. Madali siyang nadadatnan ng heat niya tuwing may nangyayari sa kanila ni Hagen at para hindi siya nawawala sa sarili kailangan niyang malihim na sugatan ang likod ng mga palad niya. Tiningnan ni Aominee ang sugat sa likod ng palad niya. Unti-unti ng nawawala iyong sugat na bahagyang kinaluwang ng hininga ng alpha. Kapag kasi nakita iyon ni Hagen mahaba-habang explanation na naman ang mangyayari. "Chartell, bakit ba ayaw mong makinig sa akin? Mas safe kun