Chapter 20 3rd Person's POV Habang busy sina Aominee sa pag-aayos ng auditorium. Nakapulupot si Hagen sa isa sa mga bandiritas sa taas ng stage. Palihim pa itong kinukuhanan nina Barbara at sini-send sa tito Irie at tito Janus nila. Napailing na lang si Aominee at pinagpatuloy ang pag-check ng mga kahon. Nang araw na iyon nawalan ng klase dahil sa biglaang meeting ng mga teachers. Kinailangan naman ng team ni Tamara ng assistance galing sa SC boys kaya pumunta sina Aominee, Tyrell at Aedion na kasalukuyang free ng mga oras na iyon. 'Oh my!' 'Gosh,' Todo iwas ang mga estudyante sa ahas nang bigla itong dumaan sa harap nila. Gumawa ang mga ito ng daan dahil sa takot sa ahas. Bigla kasing gumapang si Hagen palapit sa alpha na ngayon ay napapalibutan ng ilang estudyante na omega.