Chapter 21 3rd Person's POV May ini-inject si Mortell sa katawan ni Aominee. Nang makita na medyo kumalma na si Aominee— nag-anyo na muling ahas si Hagen at hinayaan ang mga kapatid asikasuhin ang nangyari sa dorm nila. "Dito muna kayo mag-stay, Hagen. Huwag muna kayo bumalik sa dorm niyo," ani ni Mortell sa kapatid na gumagapang pataas ng kama. Tumango na lang si Hagen biglang sagot sa nakakatandang kapatid. Iniwan nina Mortell si Hagen at Aominee sa kwarto bago lumapit kay Aedion na nanggagalaiti. "Sigurado akong isa sa mga faculty members ang may kasalanan nito. Kung ordinaryong dominant alpha lang ang kakambal ko at hindi niya mate si Hagen mamatay si Aominee!" bulyaw ni Aedion. Galit na galit ito at dahil sa sobrang emosyon nakakapaglabas ito ng hindi magandang pheromones.