Chapter 11 3rd Person's POV; "Balak mo talaga ako ihatid sa library?" "Gusto ko din tumambay. " "Maraming estudyante makakakita sa atin." "Hmm. " Sa pag react na iyon ni Janus nilingon nito ang binata. "Pumunta na lang tayo sa lugar na walang tao para pumatay ng oras. " suhesyon ni Irie na kinatingin ng binata. "Private room, may library din kami duon." sagot ni Janus na kinatango ni Irie. "Nandu'n din ba sina Ayen? " "I don't think so, sa dorm yata nag stay ang mga iyon. Kung naiilang ka kasama ako sa isang lugar pwede ko kontakin si Ayen para pumunta ng private room. " "Nah, ayos lang. " Wala pang ilang minuto nakarating na sila sa private room na nasa ikatlong palapag sa katabing building na pinapasukan ng Jeya. "Nag iba na naman ulit ang furniture at theme." komento ni Iri