Chapter 10
Irie Marquess's POV;
Dalawang araw ang lumipas pinanindigan talaga ni Evan ang pagpunta sa apartment ko para magluto ng dinner. Then tuwing umaga pag gising ko may pagkain na din af lunch box.
Napabuga ako ng hangin matapos ko mag mixed ng kape sa coffee maker.
"Hindi naman masama kung bibigyan ko na siya ng kape and sandwich since pinanindigan niya talaga ang pagluluto ng pagkain para sa akin. " bulong ko.
Makalipas ang ilang oras na paghahanda, pagkatapos ko magbihis nilagay ko na sa isang lalagyan ang ginawa kong kape sa thermos at ilang sandwitch para kay Evan.
'Poproblemahan ko na lang siguro kung paano ako pupunta ng building ni Evan ng walang problema. '
Nang maayos ko na ang lahat lumabas na ako ng dorm ko nilagay ko na din ang phone ni Evan sa lalagyan kung nasaan ang ginawa kong breakfast para kay Evan. Nakalimutan ko na din kasi ibalik ang phone ni Evan na hindi niya naman inabalang ipaalala sa akin tuwing pumupunta siya sa dorm.
Dahil sa medyo maaga ako ngayon wala akong gaano na nakikita na mga estudyante and as usual marami pa din ang pinagbubulungan ako.
'Wierd omega. '
'Hindi ako makapaniwala na nakikipag hang out sa wierdo na yan ang omega ng isa sa Jeya.'
'If i know ginagamit niya lang ang omega ni Agasse para makalapit sa Jeya.'
'Sino naman papatol sa omega na walang pheromones. '
Imbis pansinin pa ang mga estudyante sa paligid ko pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa makalabas ako ng building.
Kasalukuyan kong tinatahak ang lugar papunta sa field nang napatigil ako matapos mahagip ng mga mata ko ang alpha na nagligtas sa akin.
May benda ang bridge ng ilong nito at ilang gasgas sa mukha. Mag isa lang ito at mukhang papunta din sa field.
Bumuga ako ng hangin bago pagpasyahan na maglakad ulit at sundan ang lalaki.
'Ayoko pa din sa alpha pero unti-unti na din ako naniniwala na hindi lahat ng alpha masama. ' ani ko sa sarili matapos pumasok sa isip ko si Evan.
"Sinundan mo ba ako? "
Napatigil ako sa paghakbang nang huminto ang lalaki at nilingon ako.
"Wag kang assuming, papunta din ako ng field at sa isang lugar lang naman tayo nanggaling. " asik ko na kinaismid nito bago pinagpatuloy ang paglalakad.
Napabuga ako ng hangin bago kinuha ang dalawang piraso ng candy na nasa bulsa ko.
"Teka. " ani ko na kinatigil niya sa paglalakad.
"Anong problema mo? " gusot ang mukha na sambit nito.
Hindi ako nagsalita habang naglalakad palapit sa kanya. Nang magkatapat kaming dalawa inabot ko ang dalawang candy.
Matapos kumunot ang noo nilahad nito ang kamay at duon ko pinatong ang dalawang candy.
"Ano ako bata? "
"Pwede ba tanggapin mo na lang 'yan bilang pasasalamat ko. " inis na sambit ko.
"Kung bibigyan mo ako ng pera baka matuwa pa ako. " ani nito na kinakunot noo ko.
"Wala kang pera? "
"Naniwala ka naman. " ani niya bago tumalikod.
Pareho kaming napatigil nang tumunog ang tiyan niya.
"Tss, nakalimutan ko mag breakfast. " ani ng lalaking alpha bago mabilis na umalis sa harap ko.
"Sa tingin niya naman may pake ako. " bulong ko sa sarili bago pinagpatuloy ang paglalakad ko.
--
Napapokerface ako matapos ko kuhanin ang inorder na one big meal mula sa counter ng cafeteria.
Napabuga ako ng hangin matapos marealize kung anong dahilan kung bakit ako nandito.
Nang makalabas ako sa cafeteria nakita ko ulit ang alpha na tumulong sa akin. Nakaupo ito sa lilim ng puno habang hawak ang ilang libro na mukhang pinatutuyo niya sa init ng araw. Wala akong idea sa nangyayari pero binubully ba siya.
"Oy. " ani ko na kinaangat niya ng tingin matapos ako huminto sa harap niya.
Napatigil ito ng ibaba ko ang hawak kong paper bag at tingnan siya.
"Sa tingin mo tatanggapin ko iyan? "
"Alam kong hindi pero isipin mo na lang na bayad ko 'yan sa pagligtas mo sa akin. "
Hindi ito umimik kaya tumalikod na ako pero bago pa ako makalayo nilingon ko ulit siya.
"Utang na loob ko sayo ang buhay ko since sinalo mo ako 'nung nahulog ako kaya kung may kailangan ka pwede mo ako lapitan. " ani ko na kinaismid niya.
"Hindi ko ibaba ang sarili ko para lang lumapit sa isang omega. "
Hindi na ako nagsalita at umalis na lang duon. Masyado mapag mataas ang mga alpha isa iyon sa kinaiinisan ko sa kanila.
3rd Person's POV;
Naiyukom ng binata na si Glen ang mga kamao matapos marinig ang sinabi ng omega. Napasubsob ito sa pagitan ng mga tuhod dahil sa reality na naawa ito sa sarili niya.
Magdadalawang araw na siyang hindi kumakain dahil sa hindi siya binibigay ng allowance ng step brother niya na si Leo. Hindi siya nito nagawang patawarin sa kabila ng mga nangyari at pinabubugbog siya ng kapatid 'pag nakikita.
"Mukhang masarap ito ah."
"Putangina pwede ba tigilan niyo na ako! " mura ng binata matapos niya makita ang isa pa sa kinaiinisan niya na nakaupo sa harapan niya at walang paalam na binuksan ang paper bag.
"As far as iknow wala pa akong ginagawa sa iyo. "
Palihim na nag gitgit ang binata matapos makita ang pang aasar ng lalaki.
"Kung ako sa iyo hindi ko ito kakainin dahil magkakaproblema ka kay Janus."
"Wala akong balak at mas lalong wala akong pakialam. " asik ng binata bago humilig sa mga tuhod habang pinipigilan ang sarili na magwala.
Wala siyang kain at hindi din siya gaanong nakakatulog dahil sa gutom. Isama pa ang inis dahil sa paulit-ulit na pagpasok sa isip niya ang gwapong mukha ng lalaki na kahit saan niya na lang nakikita.
"Alam ko ang nangyari at dahil sa may kinalaman din naman sa Jeya. Gusto mo ba magtrabaho sa akin? "
"Wag kana mag sayang ng oras dahil wala akong balak magkaroon pa ng koneksyon sa grupo niyo. " asik ng binata.
"Tangna. " mura ng binata matapos mapasandal sa likuran ng puno nang itulak siya ni Yamir at itungkod ng binata ang isang kamay niya sa gilid ng ulo ng binata.
"Likas na sa pagiging mapag mataas ang alpha pero hindi sila tanga. Wala kang kahit na ano ngayon diba?"
Nag gitgit ang binata matapos siya hawakan sa panga ng beta.
"Anong gusto mo ngayon mangyari ha? Gawin akong laruan kasi may pera ka? "
Ngumisi lang ang beta bagi yumuko at bumulong sa binata.
Parang huminto ang ikot ng mundo ng alpha matapos marinig ang sinabi ng beta sa kanya.
"Putangina ka! Sa tingin mo papayag ako! " bulyaw ng alpha matapos itulak ang beta na kinatawa nang mahina ng binata.
Nakita niya kasi ang pamumula ng alpha at pagkabigla nito sa sinabi.
"Masyado kang seryoso, binibiro lang kita. " natatawa na sambit ng binata na kinayukom ng kamao ng lalaki.
"At sa tingin mo nakikipagbiruan ako? " asar na sambit ni Glen na kinangisi ng lalaki bago umayos ng upo.
"Hindi ka 'man lang ba marunong tumanggap ng joke?" natatawa na sabit ni Yamir. Hindi siya pinansin ni Glen dahil nanatili ito nakatingin sa mga palad ni Yamir na nagkaroon ng maliit na cut sa palad.
Humahalo sa hangin ang amoy ng dugo ni Yamir kaya naiinis na kinuha ni Glen ang panyo sa bulsa at hinablot ang kamay ng binata.
Kinuha din nito ang plastic bottle sa gilid ng bag niya at binuhos iyon sa palad ng lalaki.
"Boyfriend material. "
"f**k off, hindi pa ako nasisiraan ng ulo para pumatol sa lalaking beta. " asar na sambit ni Glen bago tinuyo ang kamay ng binata at tinali ito gamit ang panyo.
"Anong ayaw mo sa akin? May pera ako and as far as i know gwapo ako."
Gumusot ang mukha ng binata bago naiinis na binalik ang tingin sa lalaki.
"Gwapo din ako, walang pera pero babae ang hanap ko. " basag ni Glen na mas kinatawa ng bata.
"Sino namang babaeng omega ang papatol sa iyo kung mas maganda ka pa. " banat ni Yamir. Bago natatawa na umilag nang umigkas ang kamao ni Glen para suntukin siya sa mukha.
"Back off. "
Maya-maya tumunog ang phone ni Yamir kaya kinuha nito ang phone nito sa bulsa at tiningnan ang caller.
"Dude, wala pa akong apat na minuto umaalis sa private room namis mo na agad ako."
["Putangina ka Yamir sabi sa iyo sabay tayo pumasok!]
"Demanding mo na tangna ka, hindi kita boyfriend." biro nito sa kausap na kinamura ng lalaki sa kabilang linya bago siya binabaan ng tawag.
"Tara samahan mo ako magbreakfast."
"Gago ka ba? Bakit ko gagawin 'yun?"
"First day mo ngayon diba at trabaho mo na ientertain ako."
"f**k off! "
--
Hindi alam ni Irie ang gagawin matapos siya huminto sa building kung saan nag kaklase si Janus. Marami ng estudyante ang nagkalat sa building kaya hindi alam ni Irie kung tutuloy pa ba siya o hindi na.
"Hinahanap mo ba si Janus? "
Napaatras si Irie nang makita ang isa sa alpha ng Jeya. Agad naman napataas ng kamay si Eros na bigla na lang sumulpot sa tabi ng binata nang makita na nasa defense mode ang lalaki.
"Easy, gusto ko pa mabuhay ng matagal kaya wala akong gagawin sa iyo na masama. " ani ni Eros bago natatawa na tingnan ang omega.
"Dadalhin kita kay Janus, tara. " yaya ni Eros bago bahagyang dumistansya sa omega.
Nauna maglakad si Eros kaya sinundan lang siya ni Irie papasok ng building. Maraming estudyante napapatingin sa pwesto niya pero pilit niya iyon dinedma at tumingin-tingin na lang sa bawat classroom.
'Hey babe hindi kita nakontak kagabi. '
"Busy ako, tinambakan kami ni Janus ng trabaho. " sagot ni Eros matapos lampasan ang mga babae na humarang sa kanila.
Napataas ang kilay ng mga ito matapos nakita si Irie na sinusundan ang binata. Maya-maya tumigil sila sa isang pinto na may ilang omega ang nakatambay.
Binuksan ni Eros ang pintuan at duon nakita ni Irie si Janus. Nakaupo ito sa upuan habang nakatungkod ang kamay ni Vana sa desk ng binata at nakayuko.
Kasalukuyan may tinuturo si Janus kaya hindi nito napansin ang pagtitig sa kanya ng dalaga at ang pwesto nila.
Tumikhim Eros dahilan para napatingin sa kanila ang ilang estudyante na nasa loob kasama sina Vana at Janus.
"Janus may bisita ka. " ani ni Eros na kinatayo ng binata matapos makita ang omega na nasa likuran ni Eros.
Wala 'man sa expression ni Janus nakita ni Irie ang pagkislap ng kulang ginto na mga mata ng binata bago humakbang palapit sa kanya at iwan si Vana.
'Gosh, yan ba ang omega ni Janus. '
'Wag kang maingay. '
"Irie, anong ginagawa mo dito? " tanong ni Janus habang nakatingin sa binata na agad umiwas ng tingin.
"Na istorbo yata kita. "
"No, wala pa kaming klase. " sagot ni Janus.
"Janus, yan ba ang napili mo na omega? "
Napatingin si Irie sa babae na lumapit sa kanya at nakangiti.
"Vanadium Roselle, you can call me Vana. " ani ni Vana bago inangat ang kamay para makipag kamay kay Irie.
Tiningnan lang iyon ng binata na naging dahilan para pagbulungan sila ng mga estudyante na nasa loob.
"Hindi ko siya omega. " sagot ni Janus na kinatigil nina Irie at Eros.
"Nililigawan ko siya. "
"H-Ha? " hindi makapaniwala na sambit ni Vana na kinatawa ng mahina ni Eros.
"Bakit ka pala nandito? " tanong ni Janus na kinaiwas nang tingin ng binata bago inabot ang lunch bag.
"Yu'ng usapan natin diba? " ani ni Irie pero bago abutin iyon ni Janus binuksan ito ng lalaki at kinuha ang phone ni Janus.
"Nahulog mo iyan sa bathroom nakalimutan ko ibalik. Hindi mo naman kasi pinaalala tuwing pumupunta ka ng dorm ko." ani ni Irie na kinatikhim ni Eros dahil sa halatang may pinararating si Irie.
"Nawala din sa isip ko, thanks. " sagot ni Janus matapos kuhanin ang lunch bag at cellphone niya.
"Ilagay ko lang ito sa upuan ko. Hatid kita sa building niyo. " dagdag ni Janus.
"Wag na, maaga pa masyado para sa klase ko. Dadaan muna din ako sa library. "
"Sasamahan kita. "
"May tinuturuan ka pa. "
"Nandito na si Eros. " sagot ni Janus bago tingnan si Vana.
"Pag may itatanong ka pa kay Eros kana muna magtanong. " ani ni Janus bago tingnan si Eros na nag ok sign lang habang nakaharap sa phone.
"Wait lang. "
Hanggang sa makalabas si Irie at Janus nanatili lang duon nakatayo si Vana. Palihin ito nag gigitgit sa sinabi ng omega at sa inasal ni Janus.