Chapter 28 3rd Person's POV; Kinabukasan nagising si Janus ng may marinig siyang mga kalampag galing sa pintuan ng dorm. Binuksan iyon ng binata na kinatigil ni Janus matapos siya hablutin ni Sirius na puno ng galit habang nakatingin sa kanya. "Nagawa mong matulog habang umiiyak si Kuya Irie? " irita na sambit ni Sirius matapos maitulak ang binata papasok. "Anong sinasabi mo? " "Tumawag ka kagabi tapos hindi mo alam?! Alam mo na walang ginawa kagabi si kuya Irie kung hindi umiyak! " bulyaw ni Sirius na kinatahimik ni Janus. "Hindi mo ako naiintindihan. " ani ni Janus bago inalis ang kamay ng binata sa suot niya na t-shirt. "Bukod sa pangbabalewala mo sa nararamdaman ni kuya Irie wala na akong nakikitang dapat intindihin ko. " "Mated kayo ni Irie, paano mo nagagawang dedmahin ang